Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian, Dingdong balik-tambalan sa serye

0 212

Isang kembot at kandirit pa, go for gold na talaga ang pagbabalik telebisyon ng mga Dantes! Ayon sa diva that you love’s impeachable source, magsasama sa isang pangmalakasang prime drama ang Kapuso royals Marian and Jose Sixto Dantes.

After the ECQ mangyayari ang pre-production with matching story conference. Agree na ang hari at reyna kahit super lock in ang taping dahil ibinigay sa kanila ang pribilehiyong makasama ang kanilang princess Zia at prince Ziggy.

Iba talaga pag Dantes power couple ang mga magbibida di ba? Ibinibigay ang the best working condition,pati ang script, director, at makakasamang cast.

Ang huling pangmalakasang tambalan nila sa TV ay nine years ago pa, kung tama ang rekoleksyon ko. At oo, nasa “Encantadia” sila na limang taon na ang nakaraan pero bilang special participation cast. Si Marian ang naging nanay ng mga Sang’gre, si Reyna Minea. At si Dantes siyempre pa, ay naging si Haring Raquim.

Kaya nga, ang diva that you love hindi maiwasang magtanong, kung kasado na ang script at approved nina Dong at YanYan, ano nga kaya ang bago at kaabang-abang sa kanilang pagtatanghal pang-telebisyon? How original is the concept, story ? Anong artistic at creative challenge ang ibibigay nito sa mag-asawa kaya talagang they cannot say no and resist to it?

At dahil makakasama nila sa lock in taping ang kanilang minamahal na mga anak, makakaasa ba tayo na may special appearances sina Maria Letizia at Jose Sixto IV?

Related Posts

Ay! Siguradong mangangabog ang bagong TV project nina Marian at Dindong Dantes. Winner na winner na ngayon pa lang.

Vilma, Joshua, Nadine trip ni Brillante

Ang diva that you love, masuwerteng nakadaupang palad ang Cannes Palme D’or winning director Brillante Mendoza,

Ang puwedeng ibahagi, ang kwento niya na mas naging mahusay na aktor si Coco Martin at yes oh yes, magaling rin para sa kanya si Julia Montes. Tapos na ang pelikulang kanilang ginawa at pinangako ni direk Brillante na: “Kahit na pulis ang role dito ni Rodel, sigurado itong hindi niyo makikita rito si Cardo Dalisay. Ang sabi niya nga sa akin, artist ako siya rito at ako ang director kaya ako ang masusunod. Also, it is so wonderful to work with Julia. She is a gifted actress. Nakatrabaho ko na rin siya dati kaya hindi na siya masyadong naninibago sa artistic at creative process ko. Alam niyo naman ang mga pelikula ko, parang improve na hindi. Wala akong script. Binibigay ko lang ang sitwasyon sa artista at sila na ang bahala sa linyahan kaya ang mga line, totoo, galing sa puso, conversational talaga at hindi scripted,”

Sa chikahan, dream pa rin ni direk Brillante na maidirehe sa isang pelikula si Vilma Santos. Intrigued at nahuhusayan siya kay Joshua Garcia na bet niya ring madirek. At yes, oh yes, kung wala sana itong legal debacle, may magandang-maganda siyang horror script na ang nais niyang magbida ay si Nadine Lustre.

Samantala, pinapanood din ni direk Brillante ang bago niyang film obra, ang “GenSan Punch” na talaga namang super audience friendly at relatable.

Leave A Reply

Your email address will not be published.