Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian, Dingdong malabong maghiwalay

0 96

NI: VINIA VIVAR

Kasalan, pagluluksa at pagdadalang-tao ang ilan lamang sa nakikita sa showbiz ngayong 2021 ng psychic at fortune-teller na si Jovi Vargas. Ibinahagi niya ang kanyang mga nakikita’t nararamdaman ngayong taon sa ilan nating mga artista sa live stream ni Aiko Melendez last Sunday.

Ayon kay Jovi, nakikita raw niyang babangon muli ang showbiz at magkakaroon ng pagbabago’t pag-unlad.

“Ang showbiz, nakikita ko, babangon uli, bubuhayin ulit. Ibig sabihin may mga pagbabago na mangyayari na pwedeng ikagalak ng showbiz,” ayon kay Jovi.

Although piling-pili raw ang magkakaroon ng projects pero gagawa naman daw ng paraan ang ibang networks para mabigyan ng trabaho ang mga artista.

Kasama raw si Aiko sa hindi mawawalan ng projects na ipinagpasalamat ng aktres.

Nakikita rin daw niya na maaaring sumabak pang muli sa politika si Aiko dahil may political star daw ang aktres.

Sa iba namang artista, may nakikita raw siyang tatlo na ikakasal ngayong taon. Pero nagbabala siya na ingatan ang pagbubuntis ng isang sikat na aktres.

“‘Yung kasal, actually meron naman talagang magpapakasal. Nararamdaman kong ang tatlong ikakasal na kilala ito. ‘Yung pagbubuntis lang ang ingatan, medyo sikat ito, actually, sa isang channel ito, sikat siya. Ang kailangan lang niya siguro, ingatan, pero ang nakikita kong pagbubuntis, magiging discreet ‘yung pagkawala ng bata, you know what I mean?

“There will be a sign of pregnancy with that, pero mukha ‘atang lalabas din pero parang nawala ang bata. Hindi ako sigurado kung nakunan or hindi tinuloy,” pahayag ng psychic.

Hula 2021:Komedyante mamamatay; M pakakasal

Isa pang prediksyon ni Jovi, isang letter M daw na artista ang mag-announce na ikakasal na ito.

“Kasi there will be proposal na manggaling doon sa boyfriend niya,” aniya.

Ang ibinigay niyang clue ay nasa GMA-7 daw ang letter M na ito.

May mga nanay-nanayan din daw sa showbiz or mga senior na magkakaroon ng problema sa kalusugan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I see also the coming death of a comedian na pwedeng kilala or sumikat na comedian. Another actor na ang kanyang mga papel ay ama, ito ‘yung mabibigla rin sa taon ng 2021.

“Magkakaroon ng parang four cases or three cases of what we call death of people in the showbiz,” prediksyon pa niya.

Nagbigay rin ng kanyang prediksyon si Jovi sa Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

“Well si Alden will come up with another show, although medyo papasok rin siya sa ganitong [platform], sa YouTube,” aniya.

“Pero ang nagiging basa ko rin kay Alden is another place to build, kasi may nakikita akong bahay na maaring tayuan niya o mayroon siyang ipatayo.

“Pero mostly, magiging aktibo siya sa negosyo, aside from doing ‘yung pagiging part ng showbiz.

“Matalino ngayon si Alden, nararamdaman ko ang talino ni Alden sa larangan ng paghawak ng kanyang pananalapi.”

Para naman sa mag-asawang Marian Rivera and Dingdong Dantes, ayon kay Jovi ay mananatiling matatag ang marriage ng mga ito at hindi maghihiwalay.

“Hindi ‘yan maghihiwalay, mabait na tao at masaya pa naman sila. Maybe I see another baby, I’m not considering this year, pero hindi pa sila tumitigil sa paggawa ng bata. Hindi ‘yung dalawa lang, baka maging tatlo.”

Tinanong din ni Aiko kung ano ang nakikita ni Jovi sa ABS-CBN at ayon sa psychic, itutuloy-tuloy pa rin daw ng network ang digital platform na sinimulan nito.

“Ganito na lang, may chance na maaaring sa susunod, kung sinuman ang susunod na magiging uupo na Presidente, doon papasok muli upang maibalik. Pero depende na rin ‘yan sa magiging usapan nila,” he said.

May pinaghahandaan din daw ang ABS-CBN at nararamdaman niya na magpapalit ng pangalan pero sana naman daw ay hindi.

Pagdating naman sa GMA-7, mananatili pa rin daw itong nasa itaas pero may mga pagbabago siyang nakikita sa network.

Pagdating naman daw sa sports, may nakikita raw siyang sports icon na maaaring pumanaw this year.

Sa huli ay sinabi ni Jovi na prediksyon lamang niya ito at importante pa rin daw ang pagdarasal at paghingi ng guidance sa ating Panginoon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.