Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian, Dingdong naglambingan sa set: Nagkukulitan kami

0 159

Kung marami nang tinanggihang proyekto si Marian Rivera because of the pandemic, this time ay pumayag siyang gawin ang sitcom na “Jose & Maria’s Bonggang Villa” dahil for one, kasama niya ang asawang si Dingdong Dantes at ito ang kanilang first screen reunion simula nang maging mag-asawa sila.

Huli pa kasing nagkasama ang DongYan sa My Beloved noong 2012, isang dekada na ang nakararaan and that time ay hindi pa sila mag-asawa.

“Ang daming show na sorry, pero hindi ko magawa, kasi dahil naka-lock-in, maiiwan ko ‘yung mga anak ko, kailangan ako sa bahay,” sey ni Marian sa presscon ng Jose & Maria’s Bonggang Villa presscon na ginanap last Thursday.

Noon pa ay sinasabi ni Marian na ayaw niya talaga ang lock-in tapings dahil hindi niya kayang iwanan nang matagal ang mga anak na sina Zia and Ziggy.

Dito sa sitcom ay hindi raw lock-in ang taping nila kaya naman kering-keri niya itong gawin.

“Una sa lahat, sinigurado naming mag-asawa na tuwing may taping kami, nandu’n ‘yung mga magulang namin para alagaan ‘yung mga anak namin.

“So, pangalawa, excited kasi akong makatrabaho uli siya (Dong). Kasi pag nag-uusap kaming dalawa na parang ang tagal na naming hindi nagkakatrabaho, na 10 years nga, so parang looking forward ako na. . .iba kasi pag nasa bahay, tatlo silang inaasikaso ko. Sa taping, isa lang siyang inaasikaso ko. O di ba, magkaiba ‘yun?”

Kaya naman naging bonding time na rin daw nilang mag-asawa kapag nasa taping sila ng Jose & Maria’s Bonggang Villa.
“Na wala kaming ibang iniisip, nagkukulitan kami, naglalambingan kami. Parang lahat, napag-uusapan namin ng buong araw habang nasa taping kami. So, sobrang happy ako na nagawa ko ‘to.

“Sabi ko nga sa kanya, nu’ng papunta kami sa presscon, sabi ko ‘ang bait ni Lord, no? Hiniling natin na magkasama tayo, ibinigay Niya sa atin, tapos sitcom pa. Na gustong-gusto ko siyang makita ng taong mag-comedy. Makikita n’yo na,” sey ni Marian.

Ngayon nga lang naman mapapanood si Dong na nagpapatawa unlike Marian na sanay na sanay na sa pagko-comedy since may mga nagawa na rin siyang ganitong proyekto.

“Magaling kaya siyang magpatawa,” pagmamalaki ni Marian sa asawa. “Basta ako, natatawa ako, bahala na kayo,” natatawa pa niyang sey.

Natatawa naman si Dong at aminadong nahirapan siya talaga sa mga comedy scenes noong una. Buti na nga lang daw at may acting coach siya na walang iba kungdi ang kanyang misis.

Magsisimula na ang Jose & Maria’s Bonggang Villa starting May 14 on GMA-7 kaya mahuhusgahan na natin si Dong kung may talent ba siya sa pagpapatawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.