Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian, Dingdong pasabog ng kilig

0 142

NI: ARCHIE LIAO

Muli na namang nagpasabog ng kilig ang power couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ng Kapuso Primetime Queen ang video ng kanilang bonding ng kanyang mister.

Makikita sa video na kumakanta ang dalawa ng pamosong kanta ni Sharon Cuneta na “Kahit Maputi na ang Buhok Ko” habang nakakandong si Marian kay Dingdong.

Feel na feel nila ang kanta kaya nag-uumapaw ang ‘kilig’feels nito.

Bukod sa maraming kinilig, umani rin ang pumuri sa closeness ng dalawa na sa loob ng anim na taong pagsasama bilang mag-asawa ay nananatiling matatag ang samahan.

Para sa kanila, isang ideal couple ang Dongyan.

SM food to go Banner Ad

Ito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Nakakakilig naman.”

“Sana all.”

“Obvious na haping-hapi ang aura ng dalawa. One of the most ideal couples in showbiz.”

“With Dongyan, may forever.”

“Happy couple kaya blessed din sila ng beautiful kids.”

“Sweet and adorable couple.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.