Abante Tonite Interactive

Marian at Dingdong, wala sa party dahil kay Karylle

By
142

REUNION ng mga orig na Sang’gre ang naganap sa birthday party ng Encantadia director na si Mark Reyes sa M House nu’ng Sabado ng gabi.

Present ang apat na magkakaibigan na sina­ Iza Calzado, Karylle Tatlonghari-Yuzon, Diana Zubiri-Smith at Sunshine Dizon.

“Side by side or miles apart will always be connected by heart. Love you girls,” ang caption ni Sunshine sa pinost niyang pic nilang apat na Sang’gre sa Instagram.

Abante Hiring – IT dep

Si Karylle, ang nilagay na caption ay, “Finally!­ Complete #nofilter #noedit Sang’gre Ashna Ivo Live moment.”

Si Diana ay, “Sang’gres for life. Love you girls,” ang caption sa kanyang IG post.

Ang cute dahil may pa-promo pa ang apat, na pinost nila sa kanilang IG Stories at nilagay din nina Karylle at Sunshine sa kanilang IG feed.

Sabay-sabay nilang sinasabi sa video na iboto ang kanta ni K na Baliktanaw sa MYX, bilhin ang Loving Diana na bagong garment business ni Diana for breastfeeding mothers at ang Sunshine Kitchen na negosyo ni Sunshine ng bottled Cheese Pimiento, Ginisang Bagoong Alamang at Black Bean Sauce, tapos ay panoorin ang pelikulang Bliss ni Iza.

“Would you love to see us in a project? Request na!” sey pa ni K sa kanyang IG post.

Kasama ni Iza sa party ang Fil-Brit boyfie niyang si Ben Wintle at ka-join naman ni Diana ang Fil-Aussie hubby nitong si Andy Smith.

Chummy-chummy ang mga hunky dyowa ng dalawa.
Iba rin ang nabuong friendship ng apat na aktres, na after all these years ay matatag pa rin.
Certified SQUAD GOALS ang original na Amihan, Alena, Danaya at Pirena.

Nandu’n din sa papi­ging ni Direk Mark sina Alfred Vargas at Arthur Solinap ng Encantadia Class of 2005.

Dumating din ang mga taga-Enca Class of 2017 na sina Ruru Madrid, Solenn Heussaff, Christian Bautista, Carlo Gonzales at Gabbi Garcia.

Nagkita ulit ang dalawang Alena at nagpapiktyur si Gabbi kay K.

Waley si Glaiza de Castro na nasa Singapore dahil nanood ng Coldplay concert at si Sanya Lopez na hindi namin alam kung nasaan.

Wala siyempre sa party sina Dingdong Dantes (2005 Ybarro/Ybrahim & 2017 Haring Raquim) at Marian Rivera (2017 Ynang Reyna Mine-a) dahil nandu’n si Karylle.

Balitang magbabalik soon ang royal couple ng Encantadia na sina Dingdong at Marian para tulungan ang mga Sang’gre sa pakikipagdigma kina Avria (Eula Valdez) at Hagorn (John Arcilla).