Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian, Hyun Bin kinakasa ang tambalan

0 204

Totoo nga ba na mismong ang House of Dantes patriarch, si Jose Sixto, na mas kilala natin bilang Dingdong, ang bumuking kay Lady Marian Rivera-Dantes sa pangarap nitong makatambal si Korean superstar Hyun Bin?

May katotohan rin ba at hindi kiyeme latik na may selos factor ang Kapuso king sa crush means paghanga ni Marian sa lalaking ang nagmamay-ari na ay si Son Hye Jin?

At kung hindi ito balitang kataka-taka at inimbento lamang ng kung sino mang mataba ang utak, ngayong out in the open na ito, will the Universe conspire para ang heart’s desire ni Mrs. Dantes na makatambal sa isang proyekto ang Korean oppa ay mag-manifest?

Naku, pag naging tambalang totoo ang Marian Rivera at Hyun Bin. Maliban sa pagiging casting coup ito, siguradong ang magiging pelikula nila ang pwedeng kumabog sa phenomenal box office record na ang may hawak ay ang “Hello,Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Libre naman ang mangarap at hindi natin masisi kung bakit may paghanga si Rivera kay Hyun Bin. Hindi lang siya ang may crush dito, maski itanong pa natin kina Vilma Santos at Mel Tiangco, huh!

Makisig, matikas, panalo ang tindig, waging pumorma at parang mabango at hindi amoy kimchi si Hyun Bin, hindi ba naman. At ang age niya kasi ay tunay na ideal.Hindi na ito totoy, mamang-mama na talaga . Alam nating lahat ni hindi man of the world who sows his wild oats.

Kaya samahan natin si Marian Rivera and let us keep all our fingers and other body part na puwede nating i-cross na magkatotoo ang kanyang a dream is a wish that her heart makes.

Vice ayaw paawat sa pagtalak

Sunod-sunod ang pagtalak ni Queen Bayot Vice Ganda sa kasalukukayang galawan ng mga best and the brightest sa gobyerno .

SM food to go Banner Ad

Ang latest talak nga ni Jose Marie na siyang dahilan kaya suklam na suklam sa kanya ang mga DDS magsasaka: “Ang laki ng cut niyo, hindi pa kayo nakuntento talaga. Sana tablan naman kayo. Maawa naman kayo, hirap na hirap na yung mga tao. Utang na loob, bigyan niyo kami ng hustisya.”

Ang diva that you love, masigabong palakpakan ang ibinibigay sa baklang minamahal ni Ion Perez. Panalo ang matapang na talak ni Ganda at marami siyang mga panatiko na tiyak na mamumulat at mananalig sa kanyang mga sinasabi.

At nakakatuwa na merong tulad ni Vice Ganda na hindi natatakot na i-express ang kanyang opinion tungkol sa mga kasalukuyang kaganapan na apektado tayong lahat.

Yen lilinisin ang pangalan

Kawawa naman si Yen Santos. Namamayagpag ang kanyang pangalan bilang trending topic sa Twitter. At hindi dahil sa magaling siyang aktres sa pelikulang pinagsasamahan nila ni man of the moment Paolo Contis, ang “A Faraway Land.”

Dapat bang maglabas na si Yen ng opisyal na pahayag para linisin ang kanyang pangalan sa pagkakadawit sa isyu nina LJ at Paolo? Kapag itinanggi niya ba ang mga haka-haka at pakiwari, may maniniwala at mananalig ba?

Si Paolo Contis ba ang dapat maglabas ng kanyang saloobin tungkol kay Santos? Dahil siya ang lalaki, dapat bang siya ang magtama sa mga sanga-sangang ispekulasyon? Kapag ginawa ba ni Paolo ito, katanggap-tanggap sa lahat and his words will be accepted hook, line and sinker?

Tila silence is my defense at golden ang nararapat na pantapat ni Yen laban sa mga mapaglarong imahinasyon at hinuha. Matalinong babae si Santos kaya tiyak, hindi na natin dapat sabihin sa kanya kung paano didiskartehan ang pangmalakasang pagdududa sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.