Abante Tonite Interactive

Marian ibinenta ang mga imported na gamit

0 128

Ibinenta na pala ni Marian Rivera ang lahat ng kanyang designer clothes, shoes and bags dahil puro local na raw ang kanyang ginagamit ngayon.

“Binenta ko, tapos, binili ko ng mga katutubong damit,” sabi ni Marian nang makatsikahan namin sa renewal of contract niya with Beautederm Home.

It’s been a while now na nakikita natin si Marian sa kanyang mga Instagram posts wearing local dresses, shoes and bags at “zero imported” na raw siya talaga.

When asked kung ano ang nagbunsod sa kanya para gawin ito, ani Marian ay nagsimula raw ito nang maging endorser siya ng Kultura.

“Namulat ang mata ko nang inendorso ko talaga ang Kultura. Nakita ko kung gaano kaganda at kagaling ng Pinoy sa paggawa talaga ng iba’t ibang klaseng produkto. ‘Yun talaga ‘yun, eh. Gawang Pinoy. Suportahan natin ang gawang Pinoy,” pahayag ni Marian.

So, wala na siyang desire na gumamit ng mga imported na gamit?

“Wala na, wala na. Siguro, sabi ko nga, may mga pagkakataong may konting pambili, nakabili ka ng medyo branded. Pero sabi ko, ‘what for? ‘Di ba? Ngayon mas makabuluhan ang mga sinusuot ko dahil gawang Pinoy,” she said.

Pati raw ang mga anak niyang sina Zia at Ziggy ay ganito rin ang gagawin niya. Iimpluwensiyahan din daw niyang magsuot ng lokal na damit ang mga ito.

Louise todo iyak nang maalala ang yumaong ina

Five months ago pa lang nang namayapa ang ina ni Louise delos Reyes kaya naman ramdam na ramdam pa niya ang sakit nito lalo na nga nang mag-taping siya ng “Ipaglaban Mo” na ipalalabas ngayong Sabado, Nov. 9, pagkatapos ng “It’s Showtime”.

Ginagampanan ni Louise sa episode titled na “Legal na Ina” ang papel na young mom ng kanyang kapatid.

Mahal na mahal ni Louise ang karakter niyang si Amanda. Ang naging peg daw niya para magampanan ang kanyang role ay ang yumaong ina.

“Si Amanda kasi, sobrang mapagmahal siya lalo na sa naging anak niya. Hindi man niya sariling anak ‘yun pero binuhos niya ‘yung pagmamahal niya lahat.

“And with my mom (in real life), I felt that, eh. Ganu’n siya kalaki magmahal sa aming magkakapatid. Ganu’n niya pinahalagahan ‘yung pamilya namin, ‘yung daddy ko, lahat kami, growing up.

“So, busog na busog ako sa pagmamahal. And ‘yun ‘yung naisip ko na puwede kong paggayahan sa pagmamahal ni Amanda,” pahayag ni Louise sa kanyang panayam sa Kapamilya Chat Online.

May isang eksena nga raw sa episode na nangyari rin sa kanya sa totoong buhay kaya todo ang kanyang iyak sa scene na ‘yun.

“May isang particular scene na parang naaalala ko ‘yung anak ko in every corner ng bahay and that exact moment, nangyari siya sa akin when my mom passed away. Walking down the stairs, ganyan. Na pagtingin ko sa mga lugar sa bahay, naaalala ko siya.

“So, medyo mahirap for me dahil I had to confront my real feelings,” kuwento ng aktres.

Mula sa direksyon ni Chiqui Lacsamana, kasama rin sa “IM” episode sina Jaycee Parker at Jeric Raval.