Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian ‘iboboykot’ na ermat ni Kim Seon Ho

0 76

Maraming tagahanga si Marian Rivera ang nag-react sa kumalat na balita na gaganap daw itong mother ng Korean heartthrob na si Kim Seon Ho. Ito’y sa pelikulang “Sad Tropical.”

Dapat daw bang ipagbunyi ng mga faney ni Marian ang nasabing balita?

Good news daw ba ito dahil going international na ang kabiyak ni Dingdong Dantes?

Bet daw ba siya ng mga oppa kaya isasama siya sa naturang produksyon.

But wait, bakit daw mother role? Di raw ba puwedeng siya na lang ang katambal ng leading man ng Home Cha Cha Cha na kasalukuyang napapanood sa Netflix.

Komento nila, napakabata pa raw ni Marian para gumanap na ina ni Seon Ho unless na patatandain siya sa nasabing Korean movie.

Compared din daw sa leading ladies ng mga oppa, hamak din daw na fresh at may maipagmamalaking ganda ang aktres.

Hirit pa nila, two years lang daw kung tutuusin ang pagitan ng edad ng dalawa at lalabas na hindi kapani-paniwala ang kuwento.

Kung maipapareha raw sa oppa si Marian, siguradong big news ito.

Kung co-production naman ito ng GMA-7 sa isang serye, baka kabugin pa nito ang ratings ng My Husband’s Lover.

Sey naman ng ilan, hindi na raw naman bago kay Yan ang mother roles dahil nakaganap na itong ina sa kanyang teleserye.

Nagbabanta naman ang ilang tagahanga niya na hindi sila susuporta kung ermat ng Koreano ang gagampanan niya.

Christian ayaw ng sapilitang pag-amin ng mga bading

Sobrang convincing si Christian Bables sa pagganap sa gay roles .Dahil dito, madalas na napagdududahan siyang miyembro ng kapatiran ng pink sisters.

Sa isang panayam, idinenay ng award-winning actor ang mga haka-haka sa kanyang pagkatao.Pinanindigan niyang opposite sex pa rin ang kaniyang hinahanap.

Sa zoomcon ng Bekis on The Run, nasabi rin ni Christian na siya man ay biktima ng maling panghuhusga.

Gayunpaman, kahit na nalalagay sa alanganin, lagi raw niyang gustong magpaka-positibo.

Sey pa niya, di rin siya pabor sa mga taong pinipilit mag-out ang isang bakla.

Aniya, choice raw ng isang tao kung gusto niyang magpakapribado sa personal na aspeto ng kanyang buhay.

Naniniwala raw siyang dapat irespeto ang free will ng isang tao.

Aminado rin si Christian na staunch supporter siya ng LGBTQA+ community kaya sensitibo raw siya sa mga karapatan ng mga ito.

Speaking of being on the run, never daw siyang tumalikod sa anumang responsibilidad.

Lahat daw ay hinaharap at kinakaya niya.

Kung may problema raw siya, agad daw niya itong kinukumpronta para hindi na lumaki pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.