Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian ‘inisnab’ rally sa Cavite

0 360

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang umasa na may pagsasanib-puwersang magaganap kina Angel Locsin at Marian Rivera sa rally na ginanap sa Cavite.

Sa teaser kasi, isang silhouette ni Darna ang itinampok sa kanilang patakam.

May caption itong :“Iba ka Cavite! Dalawang Darna pa ang pupunta! ABANGAN!!!”

Matatandaang sina Angel at Marian ang mga kilalang personalidad na gumanap sa iconic Pinay superheroine character ni Mars Ravelo sa telebisyon.

Pero , no show ang Kapuso actress.

Sa huli, ang tinutukoy pala sa teaser ay ang mga Kapamilyang sina Angel Locsin at Sharon Cuneta.

Ito ang ilan sa naging reaksyon ng mga netizen sa paghahanap kay Marian.

“Nasaan si Marian? Paasa! Hahahaha”

“Marian is watching fb live, therefore wala sya sa Cavite“

“Na hopia kami kay Marian”

“Hahahaha beh yung dalawang Darna Angel and Ate Shawie. Wala naman announcement na Marian. Hopia lang talaga.

“Binawalan sila ng GMA na mag-endorso ng kandidato ”

Leave A Reply

Your email address will not be published.