Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian iwas yabang sa dream house nila ni Dingdong

0 348

Ayaw magsalita ni Marian Rivera tungkol sa balitang bonggang dream house na ipinagagawa nila ng asawang si Dingdong Dantes.

Nag-renew kahapon ng kontrata si Marian bilang nag-iisang Ambassador ng Reverie by Beautederm Home at sa mediacon after the contract signing ay natanong ang aktres tungkol sa bahay na ipinapagawa.

“Ssshh, ‘wag mo reveal, ire-reveal ko pa lang,” ani Marian.

“Saka na ‘yun,” dagdag niya.

Nahilingan ulit si Marian na kung ano lang ang pwede niyang i-share tungkol dito at sey ng aktres, “pag talagang buong-buo na, eh hindi naman kami magmamadamot na i-share ‘yan sa mga tao.”

Pero aniya, puro Beautederm Home product daw ang makikita sa bagong bahay.

“Pagpasok pa pa lang, puro Beautederm Home ang makikita nila,” nakangiti niyang wika.

When asked kung malapit na bang matapos ang bahay, sambit niya, “next question, please. ‘Wag na, saka na ‘yan.”

Samantala, 4 years nang endorser si Marian ng Beautederm Home at sa loob ng panahong ‘yun ay lumalim na ang pagkakaibigan nila ng presidente at CEO nitong si Rhea Anicoche-Tan.

Ayon kay Marian, during those 4 years ay nakita raw niya kung gaano kabuting tao talaga si Ms. Rei.

“Since Day 1 kasi, nakita ko kung paano siya magtrabaho at kung paano siya ka-hands on, pero ang talagang namumukod-tangi na tumatak sa akin, nagpunta po ako sa kanila sa. . .may convention sila sa Pampanga, sa Clark, ‘yun talaga po ang tumatak sa akin na sabi ko, napakabuting tao nito,” pahayag ni Marian sa contract signing and presscon kahapon.

“Kasi, sobrang mahal na mahal siya ng lahat ng taong nandu’n, ilang tao ‘yung nandu’n, na umiiyak dahil ibinibigay niya ‘yung mga pangarap ng mga tao na hindi nila alam kung saam sila pupunta, kung ano ang gagawin nila every day, pero nang dahil sa Beautederm, dahil kay ate Rhea, natututo silang maging thankful sa buhay nila. At ‘yun ang hindi ko makakalimutan,” patuloy ni Marian.

Hanggang makauwi nga raw siya sa bahay ay ikinuwento pa niya sa asawang si Dingdong Dantes ang nasaksihan.

“Sabi ko talaga, pag-uwi ko ng bahay, ikinuwento ko sa asawa ko, sabi ko, ‘dad, grabe ‘yung na-experience ko sa ginawang event du’n sa Pampanga, hindi ko makakalimutan kung paano si ate Rei sa mga tao.’ Sabi ko, napakabuti niyang tao at gusto ko siyang alagaan kasi ganu’n din ako magmahal sa mga taong mahal ko,” sey ni Yan.

Pag-amin naman ni Miss Rei, magbuhat nang naging endorser niya si Marian ay yumaman na siya.

“Mula nun’g nagkaroon ako ng Marian, yumaman ako. Totoo ‘yun. I’m so thankful. Iba talaga ‘yung Marian. Di ba, aminin naman natin, bakit siya kinukuha ng malalaking kumpanya? Kasi di ba, nagtutulungan kayo, it’s a give and take relationship. Kinuha mo siyang endorser, at the same time, tutulungan ka niya para makilala ‘yung brand mo.

“Hindi ‘yung kinuha mo lang siya dahil sa pangalan, tapos, wala na. Ginagawa niya ‘yung trabaho niya as my endorser,” pagmamalaki ni Miss Rhei.

Deklara pa ng gorgeous President and CEO, “mawala na ang lahat, huwag lang si Marian sa Beautederm.”

Sa nasabing event ay in-introduce rin sa press ang bagong produkto ng Beautederm Home na Pour Tout Faire – isang 3-in-1 multi-purpose spray that deodorizes, disinfects, and protects sapagkat formulated ito para ma-eliminate ang mga unpleasant odors.

Ito ay in addition sa mga dati nang produkto na ine-endorse ni Marian sa Reverie line ng Beautederm Home tulad ng iba’t ibang scent ng mga soy candles at air purifiers at pati na rin mga room and linen spray.

Leave A Reply

Your email address will not be published.