Abante Tonite Interactive

Marian Kapuso pa rin

3,769

MULING pipirma ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa Kapuso network. Hindi na naman nakapagtataka ‘yun dahil ever since, vocal naman ang aktres na masaya siya sa pagiging Kapuso.

Nagulat nga kami na ‘yung last time na pumirma ito ng kontrata which is, sa Manila Polo Club pa ginawa ay tumakbo na pala ng limang taon. Supposedly ay three years lang, pero dahil nabuntis at nanganak siya kaya nai-freeze pa ito.

At siguradong matutuwa ang fans ni Marian. Kahit kasi ang goal talaga nito after Super Ma’am ay mabuntis, since wala pa naman nga, may mga script na ipinapadala kay Marian at kung may magugustuhan ito ay posibleng gumawa na muli ng kasunod na primetime series.