Abante Tonite Interactive

Marian kinuyog na matapobre, burgis, ignorante

787

Triggered ang netizens sa mga sinabi ni Marian Rivera sa isang interview nang matanong ito kung naaapektuhan din ba siya ng matinding trapik sa Metro Manila.

Ang sagot ni Marian, matagal nang may trapik at wala nang dahilan para ikunsume mo ang sarili mo sa trapik.

Aniya, ‘pag may lakad ay pumunta nang maaga para hindi matrapik.

Sey niya pa, ang daming puwedeng gawin habang naiipit ang sasakyan sa trapik: mag-celfone, magsulat, mag-‘me time’ at marami pa raw iba.

Sa tindi ng traffic crisis na nararanasan ngayon ng mga Pinoy ay marami ang sensitive sa usaping ito, lalo na ‘yung araw-araw nagdurusa sa trapiko at mala-bangungot ang pagko-commute mula sa eskuwelahan o trabaho na hanggang ngayon ay hindi nabibigyan ng solusyon ng gobyerno.

Marami ring celebrities ang umaangal na rin at huma-hanash sa social media dahil sa kasumpa-sumpang trapik gaya nina Lea Salonga, Vice Ganda at marami pang iba.

Pero si Marian ay ganu’n ang opinyon, so tinawag itong matapobre, burgis, ignorante at kung anu-ano pa.

Hindi anila aware ang Kapuso actress sa kalbaryo ng ordinaryong mamamayan palibhasa ay mayaman siya at may sariling sasakyan, kaya nagagawa niya ang gusto niya habang natatrapik.

Palibhasa rin daw ay kaya ni Marian ang ma-stuck sa trapik nang ilang oras, na hindi babawasan ang suweldo niya kahit ma-late siya.

Obviously ay out of touch daw ang aktres sa reyalidad at mukhang wala itong alam tungkol sa kasalukuyang transportation crisis sa bansa. So, dapat daw ay hindi na lang ito ininterbyu.

“Ang daling sabihin na umalis nang maaga. Araw-araw, aagahan mo alis, tapos late ka na makakauwi. Ano ‘to, walang pahinga? Robot? Nagtitiis at nag-a-adjust naman, pero dapat pa rin solusyunan ng palpak na gobyerno ‘to, lalo at isa sa ipinangako nila ‘yan!” maigting na komento ng isang netizen sa nairita sa opinyon ni Marian.

“Akala mo, hindi naghirap. Umalwan lang sa buhay naging bulag na sa paghihirap ng masa,” sambit ng isa pa.

Nakakalungkot daw na parang nakalimutan na ni Marian ang dating buhay nito na nagko-commute lang ito noon mula Bacoor, Cavite hanggang Maynila.

Ang pinaka-common na comment na nabasa namin ay, “What would you expect from a Marian Rivera?” na masakit at sapul na sapul ang GMA star.

Kinakamusta tuloy ng fans ang PR team ni Marian, na kailangan daw gumawa ng something para makabawi.

Sa panahon ngayon ay dapat talagang mas maging maingat, sensitive at responsable lalo na ang mga celebrities sa mga binibitawan nilang pahayag.

Si Regine Velasquez ay nag-sorry sa mga taga-Payatas kaugnay ng ‘insensitive’ comment nito sa kanyang vlog na may kaugnayan sa amoy ng nasabing lugar.

Abangan natin ang palabang si Marian kung magpapakumbaba ito at hihingi ng paumanhin hinggil sa mga sinabi niya tungkol sa mainit na usaping ito.

PAK!!

Kylie malalim ang hugot sa depresyon

Kung si Iza Calzado ay masalimuot ang naranasan tungkol sa mental illness at depression na gumupo sa ina nito nu’ng kanyang kabataan, si Kylie Padilla ay meron din palang malalim na hugot kaugnay nito.

Ani Kylie sa kanyang emotional post sa IG, “When I was a teenager, alot of the people responsible for my well being always labelled me as ‘depressed’ among other things.

“During a time when things were so confusing and so traumatic, these harmful words were being thrown around to try and silence and calm a very messy storm in our lives. And maybe it was just a quick and easy way of trying to pacify the situation, so that just became the resolution.

“You are just depressed. To the point where it felt like what I was feeling felt invalid and didn’t even matter enough to be heard or even discussed.

“I remember feeling so angry when I heard anyone even say the word. That word almost instantly dehumanised me. At that time I didn’t understand what that word even really meant, but since that was my label, I guess that’s what I was?…

“It was only later that I began to understand how dangerous it was for the situation to be handled that way. During that time I was feeling emotions I did not yet understand, I did not know how to process them or work through them.

“So naturally, I just kept silencing them until they came out in my behaviour. It took some few years of denial, self pity, rebellion and breaking down of the ego for me to realize that I was in need of some healing from a past that wasn’t handled so well.

“And in a-lot of positive ways I’m proud of who I have become. But everyday takes work, patience and forgiveness. That is what I want to share with you, be patient with yourself. Understand that your emotions need to be heard, processed and understood. If not by someone you love and trust, then by you.

“It takes empathy to allow space for healing, love and trust. If you cannot find it others, you must fight and learn to give it to yourself, you then learn to give it to someone else. You can do it. Happy late #mentalhealthawareness day. We got this.”

Isa si Kylie sa pinakagusto naming iniinterbyu na artista dahil totoo siya sumagot at hindi showbiz, tapos ay masaya lang lagi.

Pero ramdam namin ‘yon sa 26-anyos na Kapuso actress na tila meron siyang serious, fragile side na mas gusto niyang itago lang at sarilinin.

Naka-disable ang comments sa post na ‘yon ni Kylie pero malamang maraming nakaka-relate sa kanya at gusto siyang bigyan ng message of support sa pinagdaanan niyang ‘yon sa kanyang buhay.

Tonite – Wendys Inhouse Ad