Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian ‘magbibigti’ sa teatro

0 154

Palakpakan na may kasamang sigawan ang dapat ibigay kay Mrs. Jose Sixto Dantes, o ang aktres na kilala natin bilang si Marian Rivera.

Bakit kaniyo? Aba she is taking the theater challenge courtesy of Tanghalang Ateneo’s “Oedipus Rex” na ipapalabas sa susunod na taon, sa Pebrero, na National Arts Month pa nga.

Isang season of adaptation ang gagawin ng mga taga-Tanghalang Ateneo at ang Sophocle’s Oedipus Rex lang naman ang tinaguriang “masterpiece of Greek tragedy.”

Bongga ang katauhang gagampanan ni Rivera, si Jocasta. Sa original play ni Sophocles, hindi alam ni Jocasta na “anak” niya pala ang kanyang napangasawa at nung napagtanto niya ito, magpapatiwakal ito at ang cause of death ay pagbibigti.

Nakakatuwa ang ginagawang ito ni Marian dahil isang malaking hamon sa kakayahan niya bilang aktres ang sumalang, tumuntong at bigyang buhay ang isang iconic character like Jocasta.

Alam naman nating lahat na mahaba ang rehearsal process, may character at script analysis, matutuhan niya ang units at objectives, ang blocking, ang speakling with a stage voice and reciting in a stage whisper some lines if the scene calls for it.

At siyempre pa walang cut sa teatro, tuloy-tuloy at depende kung sino ang nag-translate, mahahaba ang linyahan sa Greek dramas kaya tatalas ang kanyang memoryang lalo, magtitiwala sa cues ng kapwa co-actors.

Tiyak na magugustuhan ni Mrs. Dantes ang karanasang ito lalo na nga’t lahat ng excesses niya sa TV at movie acting, matatanggal dahil sa stage experience niyang ito.

Ngayon pa lang, congratulations Marian Rivera at looking forward sa pagbibigay buhay mo kay Jocasta.

Ai Ai tinawanan si Mystica

Ang Comedy Queen Ai Ai delas Alas, hindi mapigilang ang LOL reaction sa isang online post. Kung bakit tawang-tawa ang tanging ina nating lahat, best in banat naman kasi ang kuda ng isang netizen para sa mga pagmamaganda ni Mystica.

Oh di ba? May karera pa pala ang Isplitera Queen at isinama pa nga sa isang Kapuso drama. At alam na nating lahat na ayaw na namang paawat ito sa mga hanash na walang kapararakan. Nasa Facebook page naman niya ang kanyang walang patumanggang aria kaya kayo na ang humusga, my dear TONITE readers kung worth your while ba ito.

Ang post na siyang dahilan kaya super tickled ang funny bone ni Madam Martina ay ganito ang nilalaman: “bakit k c si Mystica pa kinuha artist center eh alam namn ng lahat na malakas ang ___nun eh sana si Roderick paulate na lang masaya pa sana at maraming natuwa.”

Sa mataginting na LOL reaksyon ni Ms. Ai Ai dito, aware na kaya ang reynang walang trono? Hindi naman kaya ang awayin at palabasing may malisya ang pagtawa at tila inaalaghi siya ng Comedy Queen?

Hay Mystica, noong nagugutuman, iyak kete iyak ka para kaawaan at mabigyan ng trabaho. Ngayong may nagtiwala sa iyo, nagngangawa ka na naman at gusto mo pa yatang patunayan na best in creative writing ka.

Leave A Reply

Your email address will not be published.