Abante Tonite Interactive

Marian maraming utang sa kadugo ni Enchong Dee

4,742

TINGNAN mo nga naman, kung hindi sa social media, walang ideya halos ang karamihan na may closeness pala between Marian Rivera and Enchong Dee. Obviously, si Enchong, looks up to Marian na ‘ate’ niya. Nagsimula nang magkita ang dalawa sa isang event recently at nauwi sa palitan nila ng comments sa Instagram account.

Inaanak pala ni Marian ang pamangkin ni Enchong sa dating actor na si AJ Dee. Ipinost ni Enchong ang picture nila ni Marian na super nakayakap ang huli sa Kapamilya star na parang nakababatang kapatid ang yakap niya.

Itinag ni Enchong sa picture nila ang pamangkin mismo at sinabing, ‘your beautiful ninang’. At Danish words na ang kasunod na sinasabi sa pamangkin niya na kinakamusta siya ng Ninang niya.

Sumagot si Marian sa post ni Enchong na ‘miss you’ para sa actor at ini-acknowledge na marami na raw siyang utang sa inaanak niya at babawi raw siya. Suggestion naman ni Enchong, puwede nitong puntahan ang inaanak next time na pumunta sila ng Europe.

Marami ang natuwang fans sa palitan ng messages nina Enchong at Marian dahil ilan ito sa mga bagay sa Kapuso Primetime Queen na hindi nila alam, kung gaano siya kalapit sa iba at may nabuo siyang friendship.

JC Santos yumabang, lumaki ang ulo

BUKOD sa pagiging actor (nagsimula siya bilang theatre actor) heto at isa si JC Santos sa inilunsad ng Star Music bilang bagong recording artist. Nagulat pa ang ilang press sa ginanap na press launching nila nang mag-perform si JC na maganda nga pala ang boses nito.

Ayon kay JC, talagang hilig naman niya ang pagkanta, pero saglit na nawala ang focus niya rito dahil sunod-sunod ang mga naging opportunity niya sa pag-arte. Showing pa rin sa ilang sinehan ang Mr. & Mrs. Cruz nila ni Ryza Cenon at kasama na siya ngayon sa long-running primetime series na Ang Probinsyano.

“Kailangan po kasi kapag kumakanta ka, araw-raw kang kumakanta. Muscle ‘yan. Ngayon ko pa lang po ipinapaalam na kumakanta ko. And marami pong salamat sa Star Music na sinuportahan po nila ko sa ganitong pagkakataon na gusto ko pong gawin.”

‘Yun nga lang, kasabay ng magagandang opportunities na dumarating sa career niya ngayon, may kakambal itong isyu. Na kesyo lumalaki na ang ulo niya.

Sinagot ito ni JC sa press launch at sinabing ang mga dati naman daw niyang kasama which is basically, mga kaibigan niya sa teatro ang mga kaibigan pa rin daw niya ngayon.

“Ang nagbago lang po siguro, naging confident lang ako sa mga trabaho na nilalabasan ko lately,” sabi niya.

Naku, mahirap ding madikitan ng mga ganyang isyu na kesyo paglaki ng ulo lalo na at baguhan pa lang. Kaya for sure, hindi naman hahayaan ni JC na magkaroon nga ng ganitong impression sa kanya.