Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian, Mariel nawindang: Robin, Dingdong sabit sa buntisan tsismis

0 475

Dalawang aktor ang nasa gitna ng kontrobersiya ngayon dahil natsitsismis na may nabuntis umano silang babae – sina Robin Padilla at Dingdong Dantes.

Si Robin, diumano ay nabuntis daw si Mocha Uson na sinagot na ng misis niyang si Mariel Rodriguez kahapon sa kanyang Instagram account.

Halatang imbiyerna si Mariel sa kanyang pahayag at sino ba naman ang misis na hindi mawiwindang pag ganyan ang tsismis sa mister mo?

Sa kanyang post ay nakiusap si Mariel na tigilan na ang pagpapakalat ng maling balita lalo pa nga’t nagluluksa pa ang asawa sa pagkamatay ng kapatid nitong si Royette Padilla.

SM food to go Banner Ad

“So many people are sending me messages… “checking” on me. People are tagging me bla bla bla… let me tell you this. ROBIN’S BROTHER PASSED AWAY. He is grieving. He has never been in so much pain all his life. He doesn’t need your baseless gossip. Namatayan ng kapatid yung asawa ko. Please lang po. He doesn’t even know anything about all this rumor but i am putting a stop to this NOW. May oras para maging assholes now is not that time. Please,” ang pahayag ni Mariel.

Matapos i-deny ng mister ni Robin ang tsismis, ang pinagdiskatahan naman ng mga netizen ay si Dingdong Dantes na diumano ay may nabuntis daw na isang co-star nito. Isa itong fake news ayon sa trending sa Twitter.

Sa social media accounts ni Marian ay napakarami tuloy ang nagtatanong sa kanya kung totoo ba ang tsismis. Sey ng mga netizens nakakawindang daw talaga para sa isang misis ang ganitong balita.

Marami naman din ang nagtanggol kay Dingdong at hindi naniniwalang magagawa iyon ng aktor.(ART)

Leave A Reply

Your email address will not be published.