Abante Tonite Interactive

Marian, mas maalindog kesa sa mga Sang’gre

By
MARIAN RIVERA
12

KONTRABIDA si Glaiza de Castro sa Tempation of Wife, ang Korean drama na ginawang Filipino soap opera kung nagmagandahan at nagkabugan sila ni Marian Rivera.

That was four years ago. Ngayon, nanay na ni Glaiza si Rivera sa Encantadia.

Thus, I cannot help but wonder… has Marian’s career gone full circle? Balik-nanay role kasi siya.

Abante Hiring – IT dep

Bago siya naging primetime queen courtesy of Marimar, nanay na si Rivera nina Jennlyn Mercado at Nadine Samonte sa Super Twins.

Nakakatulirong isipin na ‘yung dati niyang nemesis na si De Castro, anak na niya ngayon at bida/kontrabida bilang Pirena. Career upgrade or downgrade ba ang pagiging Reyna Minea ni Marian?

Noong naging Minea si Dawn Zulueta sa orihinal na Encantadia, she had more years and stature, and an accomplished and award-winning actress at that, if compared sa mga dating Sang’gre na sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle at Diana Zubiri.

Aside from the primetime queen title and mabibilang sa daliring TV awards win at nominations, masasabi ba nating naging ka-stature man lang ba ni Marian si La Zulueta or she is in a different league?

Kalurks din na di hamak na mas maalindog at mapanghalina pa siya kesa sa apat na istarletitang Sang’gre.

***

Kumusta ang morning talk show niyang Yan ang Morning?

Kahit pa may mga pralalang extended ang run nito, may mga tiktak din na malapit na itong magbabu sa ere.

Hindi rin daw nakatulong ang guesting ni Kris Aquino para pumalo ang ratings nito.

marian-rivera
             MARIAN RIVERA

Of course, kahit pa sabihing the sorry state of her morning show is not entirely Rivera’s fault kung bakit hindi ito umaariba, siya pa rin ang pinakamalaking bentahe nito.

Ang tanong, did the powers that be of the ka-Siyete network, pinaghandaan ba ang pagiging talk show host niya?

Pinag-aral man lang ba siya kung paano ang tamang pakikipagtalastasan sa mga bisita?

Did she have additional training or short courses para mas maging effective na TV host?

Doing a talk show is a different ballgame. Kahit pa biba at chikadora si Rivera, hindi sapat iyon for the viewers to connect and embrace her.

Kumusta ang program content? Hindi ba nila hinanap ang mga writers dati of Sis, pati na ang mga writers of Ms. D?

Namayagpag talaga ang dating talk shows na aking sinambit. Dapat alam na nila ang formula at templates on how to make a talk show work.

Marami ang disappointed sa morning show ni Rivera. Kasi nga, halo-halo fiesta na hindi mo mawari.

May identity crisis. Laging may I super test the waters if this or that segment and paandar will click.

And before they know it, ang loyal Kapuso followers, mas pinili na maglinis, maglaba, mamamlantsa, pumunta sa talipapa, magtanggal ng kaliskis at hasang ng isda, makipag-usap sa mga orchids at plants nila, paliguan ang kanilang house pets at bumangka sa kapitbahay kesa manood sa show ni Marian.

***

May mga chika ring balak ni Marian to bid showbiz good-bye at mag-concentrate na ito bilang homemaker, domestic goddess, mommy dearest ni Zia at loving and lovely wifey ni Dingdong Dantes and yes, go for gold ang kanilang quest ni Dantes to go forth and multiply.

If she does bid Tinseltown farewell, lalong tataas ang paghanga of the balana at dabarkads sa kanya.

marian-rivera
              MARIAN RIVERA

Kasi, motherhood is the noblest vocation. Palakpakan na may kasamang sigawan for her!

Nakakatuwang she can do a Dorina Pineda. Keribels niyang magpabalot sa hiwaga ng pagmamahal ni Jose Sixto, hahayaan niyang matakpan ang kinang na di magtatagal, maging bituing walang ningning at buong pusong magkukubli sa pagmamahal ni Dong, ni Zia at magiging mga anak pa nila.

Kung totoong may balak siyang ganito, I think she must pursue it.

In the comforts of her home and the loving embraces and assurance of people who matter to her most, she will gain back her center.

At ‘yung center niyang ‘yun, is inside her, that center filled with artistic and creative juices.

Marian has more to give. Dapat lang sigurong she steps back a little, pause muna ang kanyang showbiz life and make a list of her strengths and weaknesses.

Kung ano man ang strenghts niya, when she feels she is ready to give it a go again, doon siya mag-concentrate at saka niya i-golpe de gulat ang lahat.