Abante Tonite Interactive

Marian miss na si Dingdong habang kapiling si Anne

By
3,907

NAGPALITAN ng sweet messages sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Instagram dahil nga magkahiwalay sila ngayon. Nasa Japan kasi ang aktor since Tuesday pa para mag-shooting ng movie nila ni Anne Curtis na Sid and Aya (Not a Love Story) na idinidirihe ni Irene Villamor.

Nag-post si Dingdong kahapon ng umaga habang nagkakape siya bago magsimula ang shooting. Aniya, para sa kanya ay kape pa rin at hard copies ang mas effective kaysa sa tablet at ito rin ang nakasanayan niya simula pa noong working student pa lang siya.

“Squeezing in some readings while waiting for the camera to grind. For me, coffee and hard co­pies are still more effective than tablets — the same formula that has helped me survive being a working student from 1998-2014, with literally a long break in between.

Abante Hiring – IT dep

“Now, here I am again, trying to make the most out of this opportunity because I know that I’m always a work in progress. @upoufmds @yespinoy,” ang post ni Dingdong habang nagkakape sa St. Marc Cofee sa Shinjuku, Japan.
Sumagot si Marian at sinabing “Miss you!”

Nag-reply din naman si Dong at aniya, “@marianrivera uwi na ko bukas beybe!” Siyempe, for sure ay miss na miss na rin ni Dong ang kanyang mag-ina.

Robin saludo kay Bernardo Bernardo

NAGBIGAY ng kanyang pagpupugay at respeto si Robin Padilla sa pagyao ng beteranong aktor na si Bernardo Bernardo na katulad niya, ay isang strong supporter din ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nag-post si Robin ng larawan ng yumaong kasamahan sa industriya with a heartfelt long caption.

“Isang malalim na pagpupugay sa aking kasama sa industriya ginoong Bernardo Bernado, siya ay pumanaw na sa edad na 73. Hindi man kami nagkasama sa pelikula o telebisyon akin naman ipinagmamalaki at aking pagyayamanin ang aming pagsasama at pagkakaisa sa paniniwala kay Mayor Rodrigo Duterte bago pa lamang ito tumakbo.

“Kami ni tito Bernie ang nagpapalitan sa Facebook ng mga mungkahi para ipaliwanag sa social media ang mga katangian ni Digong katunayan ay walang tigil si tito Bernie sa social media sa paghihikayat kay Mayor Duterte na tumakbo bilang Pangulo.

“Lumipas ang panahon at nanalo ang aming kandidato nagsulputan ang mga sipsip! Kaliwat kanan ang agawan sa puwesto at kapangyarihan may mga dati pang mga nang-aapi kay Mayor sa social media ang bigla na lamang nasa sa tv na nakadikit na kay Mayor at nauna pang nakapasok sa Malacañang pero wala akong narinig na pumiyok si tito Bernie o humi­ngi man lamang ng posisyon na kung tutuusin sa lahat ng mga na-appoint na may kinalaman sa pelikula si tito Bernie ang may pinakamataas na qualification.

“Nagpapasalamat ako kay atty. Glen Pangapalan ng Davao city at bago man lang humantong sa kapa­yapaan si tito Bernie ay naihatid n’ya ang malalim na pasasalamat ng aming Kandidato at Pangulo.

“Isa kang tunay na rebolusyonaryo tito Bernie!! Isa kang tunay na maka Bonifacio!! Isa kang tunay na katipunero.
“Hanggang sa muling pagkikita sa dako pa roon,” ang kabuuan ng caption ni BInoe.