Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian mukhang bruha sa mga anak

0 334

Sa isang panayam, sinabi ni Marian Rivera na malaki ang nagawa ng kanyang mister na si Dingdong Dantes para mabago ang kanyang pagkatao.

Naging way daw ang kanyang asawa para maging mas mabuti siyang tao.

Katunayan, tinulungan daw niya nito para maging kalmado at mag-isip ang tama.

Kung noon daw ay may pagka-maldita at bratinella siya, ngayon daw ay nawala na iyon dahil nag-mature na siya.

Naiba rin daw ang pananaw niya mula nang mag-asawa siya at magkapamilya.

Kung dati ay sarili lang ang iniisip niya noon, mas naging prayoridad na raw niya ngayon ang kanyang pamilya.

Katunayan, aminado siyang tinanggihan niya ang isang teleserye dahil ayaw niyang mawalay kina Zia at Sixto na nangangailangan ng kanyang personal na kalinga.

Nagbre-breastfeed pa rin daw kasi siya sa kanilang bunsong si Sixto.

Gayunpaman, pag normal na raw ang lahat, babalik at babalik pa rin daw naman siya sa paggawa ng mga teleserye.

Tungkol naman sa mga pangarap niya na gusto pang matupad, bet daw niya na magkaroon pa ng isa pang anak.

Sa kanilang dalawa raw ni Dong, mas masasabing disciplinarian siya kasi siya iyong madalas na kapiling ng mga kids sa bahay.

Katunayan, siya raw ang lumalabas na witch sa mga anak samantalang si Dong ang parang prince charming.

Ang maganda lang daw sa kanila ng mister, teamwork daw sila at walang kampihan kapag may nagawang mali ang mga anak na kailangang suwetuhin.

Si Zia raw ang mini me version niya samantalang si Sixto ang tulad ng dad nito na animoý suplado pero observant naman daw.

Sa obserbasyon naman na lagi siyang fresh at vibrant, sinabi niya na itatanong daw niya sa kanyang mister kung meron siyang ugly na anggulo.

Sa bonding time nila ni Dong, nagwo-work out din daw sila pero hindi raw siya naipo-post sa social media.

Goal daw nila lalo na ngayong pandemya ang maging healthy para sa kanilang mga anak dahil gusto pa nilang masubaybayan ang paglaki ng mga ito.

Richard Poon kapalit ni Mocha

Trending sa Twitter universe ang singer na si Richard Poon dahil sa naging hanash nito tungkol sa usapin ng karapatan ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa hanash niya, dapat daw ibunton sa dating administrasyong Aquino ang sisi dahil hindi nito giniyera ang China noong 2012.

Ini-cite rin ni Richard ang tungkol sa nakasaad umano sa arbitral ruling ng United Nations tungkol sa disputed islands ng bansa.

Hindi naman nakaligtas sa pangunguyog ng mga netizen si Richard dahil sa pagtatanggol nito kay Pangulong Duterte.

Hirit ng mga netizen, pa-intellectual pa raw ang diskurso nito samantalang hindi nito naiiintindihan ang kanyang sinasabi dahil ang source umano nito ay si Jay Sonza.

Pinaratangan pa nila na ito na raw ang spokesman ng mga DDS at kapalit ni Mocha Uson.

May mga netizen din na na-disappoint sa crooner dahil sa argumento nito.

Dagdag pa nila, bago raw ito ngumawa ay siguraduhin muna na factual ang research nito.

Sa ginawa raw nito, nasa liga na ito ng mga troll tulad nina Robin Padilla, Banatby, Jam Maligno at marami pang iba.

Leave A Reply

Your email address will not be published.