Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian nag-ayuda ng datung sa Kapuso aktres

0 68

NI:BETH GELENA

Hindi maiwasang maalala ni Lovely Abella ang pagtulong na ginawa ni Marian Rivera sa kanya.

Sa Instagram post ni Lovely ay may mahaba siyang mensahe na sinulat para sa Kapuso Primetime Queen.

Isang larawan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian na kasama siya ang ipinost ni Lovely.

Ayon sa aktres, agad daw nagbigay ng tulong nang maospital ang kanyang mamang.

Ayon pa sa kanya, hindi raw sila masyadong close that time ni Marian, pero hindi raw ito nag-hesitate na tulungan siya.

“Na ayaw ipasabi ni ate yan 5 years ago, Di ko makakalimutan ang napakagandang puso ng taong to, hindi kami kumakain ng sabay, di kami nagkakausap ng matagal pero noong panahon na nag 50/50 ang mamang ko, siya ang kauna unahang nagbigay ng tulong sakin. Pinaabot niya ang cheque at sabi sana gumaling ang Mama. Unexpected na galing sa kanya ang napakalaking halaga na yun. Hindi lang ako humanga sa kung gaano siya kaganda, kundi sa kagandahan din ng kalooban niya hindi dahil nagbigay tulong siya sakin kundi tinatanaw ko na utang na loob ang tulong na yun,” sey ni Lovely.

Dagdag pa niya, “Lagi ko sinasabi pag ako yumaman di ko kakalimutan ang mga taong tumulong sakin financially at emotionally. Di man materyal ang naisokli ko ate @marianrivera pero lagi kang kasama sa dasal ko at ang buong pamilya mo at isa na rito ang bagong show mo. Muli salamat ng marami, Mahal kita ate.”

Ang ginawang pagtulong ni Marian kay Lovely ay ginawa rin niya kay Boobay kung saan halos nasa bingit na ng kamatayan ang komedyanteng TV host.

Kaya maraming blessings na dumarating sa.Primetime Teleserye Queen dahil hindi siya maramot mag-abot ng tulong sa mga needy persons.

Leave A Reply

Your email address will not be published.