Abante Tonite Interactive

MARIAN, NAG-PANIC SA LAGNAT NI ZIA

By
21

NATAWA si Marian Rivera sa text namin sa kanya kung totoo ‘yung pinag-uusapang isyu na buntis na ito ulit.

Text niya sa amin, “Wahahaha! Hindi! Naku sana nga lol! Pero wit. Tapusin ko muna soap after, go na.”

Iyun ang madalas na sinasabi ni Marian, dahil nahihiya siya sa GMA 7 na sa kalagitnaan ng progra­mang ginagawa niya ay mabubuntis siya.

Iyun kasi ang naririnig naming kuwento sa ilang staff sa GMA 7 dahil parang nakitaan nila ng sintomas na parang buntis ito.Minsan ay hindi na siya nakapag-taping dahil masama raw ang pakiramdam niya.

Kaya nilinaw namin kay Marian kung meron bang insidente na hindi niya nasipot ang taping dahil may sakit siya.

“Hindi. Si Zia ang nagkasakit, nag-39° ang lagnat kaya nag-panic ako,” text niya uli sa amin.

May ilang action scenes si Marian sa Super Ma’am dahil isa siyang superheroine dito.

Kaya kung totoong buntis ito, hindi na niya puwedeng gawin. Pero sure na sure ang GMA Primetime Queen na hindi pa siya buntis, kaya tuluy-tuloy ang taping niya.

Kasama niya sa Super Ma’am si Jerald Napoles at ang Fil-Am at bagong Kapuso hunk na si Matthias Rhoads.

Pero pansamantalang tigil muna si Marian sa taping ng Super Ma’am dahil lilipad sila ni Dingdong Dantes bukas pa-Paris para daluhan ang kasal nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho Jr.

Flower girl doon si Zia kasama si Scarlet Snow Belo na bentang-benta sa netizens ang eksena nilang dalawa.

Malamang na nakaw-eksena ang dalawang sikat na batang ito. Type na type ng netizens ang mga posts na magkasama silang da­lawa.

Itong huling video nilang dalawa na nag-aagawan ng laruan na bandang huli ay nagyayakap sila, tuwang-tuwa ang netizens at halos isang milyon na ang views nito.

Nakaka-good vibes kasi silang tingnan. Kaya malamang na nakaw-eksena yan silang dalawa sa wedding nina Dra. Belo at Hayden.