Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian nag-throwback sa erpat

0 36

NI: ARCHIE LIAO

Viral ang ipinost ni Marian Rivera na throwback picture niya noong bata pa siya kasama ang kanyang ama.

Marami ang na-kyutan sa kanyang photo na kinaaliwan ng mga netizen.

Hinangaan din ang kakisigan ng kanyang dad na si Francisco Javier Gracia Alonso, isang Espanyol mula sa Madrid. Nakuha ng aktres ang kanyang genes.

Anila, bata raw ang Kapuso Primetime Queen ay may potensyal na itong magiging big star dahil sa angking ganda nito.

Napansin din nila ang malaking pagkakahawig ng dalawa.

Pati raw ang anak ng DongYan na si Ziggy ay may resemblance rin sa kanyang lolo.

Sey ng netizens, “papa’s girl” daw pala ang actress dahil sa closeness nito sa kanyang ama.

Umani ng more than 285,000 likes at over 2 thousand comments ang nasabing post ng Kabitenyang asawa ni Dingdong Dantes.

Leave A Reply

Your email address will not be published.