Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian nayabangan kay Mikael

0 1,386

Kalorky pala ang unang pagkikita nina Marian Rivera at Mikael Daez.

Matatandaan na nagtambal ang dalawa sa ‘Amaya’ . Ito ang unang serye ni Mikael sa GMA 7.

Naging maangas at mayabang pala ang dating ng aktor.

Ito ang rebelasyon niya sa podcast nila ni Megan Young na #BehindRelationshipGoals.

Nu’ng panahong ‘yun walang kamalay- malay si Mikael na big star si Marian. Ang nakarehistro lang sa utak niya ay may billboard ito sa EDSA at maganda ang aktres. Hindi rin niya alam ang sistema at galawan sa showbiz nu’ng mga panahong ‘yun.

Hindi raw niya makakalimutan ang ginawa niyang audition sa ‘Amaya’.Ipinakilala raw siya kay Marian.

Sey niya: “Being the jerk that I accept, I come in, I was like ‘Okay sure, I’ll meet her, say hi, of course ‘di ba?’ I was trying to be nice. I wasn’t trying to be mean or anything but because of my unawareness and ignorance, I came off as very fresh, masyadong presko, masyadong komportable bigla.Dapat marunong ako lumugar. Hindi naman siguro mayabang but jerk and presko vibes, at home na at home ka dito.

“I go in and Marian Rivera’s there, there’s a table, she says ‘Oh, hi, ako si Marian.’ And then she extended her hand and I reached over and I’m like, ‘Hey, ‘sup? I’m Mik.’ And then umalis ako.

“So many things were happening but yeah I was a jerk. I’m sorry. Yanyan, I love you, you’re amazing, you’re beautiful. I was a jerk,” bulalas pa ni Mikael.

Naging bad umano ang first impression sa kanya. Hiyang-hiya niya pag naalala niya.

“I can imagine how that could’ve been a bad impression and true enough, years later, people would look back on that and then tell me, ‘Oo Mik, mali ka doon bro, dapat ‘di mo ginawa ‘yon. Swerte ka na lang, swerte ka na lang naging magkaibigan kayo,” lahad pa ng Kapuso actor.

Bandang huli ay naitama naman daw niya ang kamalian niya at naging magkaibigan sila ni Marian.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.