Abante Tonite Interactive

Marian ‘padede mom’

449

Sa kanyang recent post, ibinalita ni ­Marian Rivera na nagsimula na siyang magbigay ng solid foods sa bunso niyang anak na si Ziggy who is 4 months old at kasabay­ nito ang paliwanag na suportado­ pa rin niya ang breastfeeding advocacy­dahil tuloy-tuloy pa rin naman daw ang pagpapa-breastfeed niya sa anak.

“Nais kong ipakita ang suporta ko sa ­breastfeeding advocacy magmula noon hanggang ngayon. Bagamat nakapagsimula ako ng solids kay Ziggy sa mga nakaraang araw base sa payo ng aming pediatrician­, wala akong plano na ihinto ang aking pagiging padedemom sa aking bunso.

“Isang pakiusap lamang po, nawa’y sa adbokasiyang eto ay hindi tayo makasakit ng damdamin ng mga ­kapwa natin ina, nawa’y hindi gamitin ang pangalan ko sa mga kumento at mensahe na humuhusga sa pag bigay ko ng masustansyang gulay sa aking anak.

“Kung meron man akong ginawa na hindi base dito, huwag naman sana itong maging batayan para ako ay mahusgahan. Lahat po tayong ina ay gusto lamang ang ‘best’ sa kanyang anak. Hanggat kaya ko ay lalaban ako bilang #pade­demom,” ang buong nilalaman ng post ni Marian.

Sa comments section, we learned na apparently ay mayroon na palang isang netizen na nag-call ng attention ni Marian sa pagbibigay niya ng solid food kay Ziggy at 4 months dahil mali raw ito ayon sa pag-aaral. Dapat daw ay 180 days ang baby bago bigyan ng solid food.

Apparently, this prompted Marian to explain her side. Pinuri naman nito ang pag-amin ng aktres na hindi nito sinusunod ang WHO guidelines at ang sarili niyang pediatrician ang kanyang sinunod. Pinuri rin niya ang pagsasabi ng aktres sa mga moms na ang guidelines daw ng WHO ang sundin.

Sue naghamon sa mga bugaw

Aware si Sue Ramirez na may mga artistang nada-drag ang pangalan sa prostitusyon kaya nahingan siya ng pahayag tungkol dito sa presscon ng pelikula nila ni RK Bagatsing na “Cuddle Weather” na isa sa official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

Ayon kay Sue, alam naman daw siyempre ng artista­ kung totoo o hindi ang akusasyon.

“Alam naman ‘yung totoo, eh. Kung ginagawa mo ba siya or hindi. So, if oo at ginagawa mo naman­ talaga, alam mo ‘yun, it’s not something na kailangan pa nating pakialaman, kasi desisyon na ‘yun ng ibang tao, eh.

“My opinion is not important at all. What I have to say is not important,” she said.

If ever na masama ang pangalan­ niya sa listahan, ano ang gagawin niya?
“Eh hindi ko naman ginagawa­, bakit naman ako maaapektuhan?” aniya.

Dagdag pa niya, “alam ko naman at kilala ko ang sarili ko. Sige, i-book nila si Sue, tingnan natin kung may dadating­ doon. Sige po, i-try­ n’yo po,” sabay-tawa.

Sa “Cuddle Weather” kasi ay ginagampanan nina Sue at RK ang role na sex workers at ayon sa dalawa, after nilang gawin ang movie ay nagkaroon sila ng respeto sa mga prostitutes.