Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian ‘pinagdamot’ si Dingdong

0 145

NI: ARCHIE LIAO

How true na noon pa mang pumirma si Bea Alonzo bilang contract artist ng GMA-7 ay may plano na itambal it okay Dingdong Dantes ?

Katunayan, may inilalatag na raw na konsepto sa serye para sa dalawa. Pero, sa planning at conceptualization stage ay agad na nakatay raw ito at hindi nag-prosper.

Hirit pa ng isang bubuwit, di raw bet ni Marian na i-share ang kanyang hubby kay Bea.

Kahit daw nagpa-follow na sila sa isa’t-isa sa kanilang respective social media accounts, tila hindi raw komportable si Marian na makatambal ng kanyang mister ang aktres .Totoo kaya na ipinagdadamot niya ito?

Speaking of Bea, may mga tsikang plinano rin daw na itambal ito kay Rayver Cruz pero true ba na tinanggihan daw niya ito?

Tatlong actor lang daw ang gustong makatrabaho ni Bea sa GMA-7: sina John Lloyd Cruz, Alden Richards at Dingdong Dantes.

Sey naman ng ilan, may karapatan daw namang maging choosy si Queen B .Tulad ng kasabihang “water seeks its own level,” bet lang daw makatrabaho ang kauri nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.