Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian -Rhea swak ang tandem

0 7

NI: ROLDAN CASTRO

Solid at malakas ang partnership sa pagitan ng Beautéderm CEO at President Rhea Anicoche-Tan at ni Marian Rivera-Dantes.

Nag-renew ng kontrata ang primetime queen ng Kupuso Network bilang opisyal na brand ambassador ng Beautederm Home sa ikaapat taon.

Siya ang face ng sikat na sikat na Reverie line ng Beautéderm Home na kinabibilangan ng all-natural soy candles, room at linen sprays, at air purifiers.

Ang Reverie ay laro ng salita sa pagitan ng apelyido ni Marian nuong siya ay dalaga pa, ng pangalan ng Beautéderm Predident and CEO na si Rhea Anicoche-Tan, at ang konsepto na gustong maging epekto ng brand sa bawat gagamit nito – ang mag-drift away, managinip, at mag-relaks habang nag-eenjoy sa mga kakaiba, matatamis, at beauteful scents of love ng Beautederm Home. Ang Reverie line of Beautederm Home ay kinabibilangan ng Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent), at Rest & Relaxation (Lavender Scent) at pati na rin ang dalawang bagong scents na Matcha To Love at Take Me Away – na lahat ay pawang nilikha mula sa pormulasyon hanggang sa indibidwal na packaging sa very close collaboration kasama si Marian.

“Marian and I developed a very close friendship over the years mula noong una siyang nagging bahagi ng pamilya family bilang brand ambassador ng Beautéderm Home,” sabi ni Tan.
“Umakyat na ang relationship namin mula sa negosyo at itinuturing naming ang isa’t-isa bialng magkapatid. Madalas kaming mag-usap hindi lang tungkol sa work dahil nag-uusap din kami tungkol sa mga updates sa aming mga personal na buhay.”

Maligayang maligaya din si Marian sa kanyang continued partnership sa nasabing company, “Pamilya talaga kami. Napaka-buti at napaka-supportive na kaibigan ni Rei sa akin at sobra kong valued ang aming loving relationship. Bahagi na ang Beautéderm Home ng aking daily essentials sa pag-maintain ng refreshing at relaxing ambiance sa bahay na nakaka-relaks sa akin kasama ang aking asawa at mga anak,” aniya.

Dagdag pa niya:”Napaka-exciting na taon nito hindi lang para sa akin ngunit para sa Beautéderm Home na rin,” sabi ni Marian. “Excited ako sa madaming projects at collaborations na gagawin namin at very grateful ako sa wonderful friendship na pinagsasaluhan namin ni Rei. It’s really a blessing to find true and lasting friendship in this industry and I will always be happy to call her sister and I am honored to represent Beautéderm Home.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.