Abante Tonite Interactive

Marian Rivera, maraming utang kay AJ Dee

11,903

Muling nag-renew ng kontrata sa GMA 7 ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Sa pakikipagtsikahan kay Marian, napag-usapan na close pala siya sa Kapamilya actor na si Enchong Dee.

“Oo, kasi si kuya niya (AJ Dee), dati kay Popoy and close kami. Tapos ‘yung anak niya ay inaanak ko,”saad ng aktres.

Marami ka na raw utang?

Nakangiting sagot ni Marian, “Oo nga, marami na, eh. Nasa abroad naman kasi.”

Sina AJ, ang Norwegian wife nitong si Olga Havran, at anak nilang sina Maximus James at Alexandros Jayden ay kasalukuyang naka-base sa Norway.

Pahabol pa ng misis ni Dingdong Dantes, “Pero actually, marami akong kaibigan sa kabila (ABS CBN). Siguro para sa akin, hindi ko naman kailangang ilantad na, ‘Ah, friends ko sila, friends ko sila.’

“So, nagkakaintindihan na kami ng mga friendship ko roon.”