Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian sinalba si Boobay

0 223

Emosyonal na inilahad ng komedyanteng si Boobay ang kagandahang loob ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang maging panauhin ito sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga.

Aniya, hindi raw niya malilimutan kung
paano siya natulungan ng aktres noong dumanas siya ng agaw-buhay na karamdaman noong 2016.

Pagbabahagi pa niya, noong na-stroke raw siya, hindi raw siya pinabayaan ni Yan at inilagak pa sa maayos na ospital kaya labis-labis daw ang pasasalamat niya rito.

Katunayan, ayaw daw talaga ipasabi ng aktres ang kanyang pagkakawanggawa sa kanya.

Sumang-ayon naman ang mga Dabarkads sa komedyante at sinabing likas na matulungin ang misis ni Dingdong Dantes.

Dahil sa pangyayaring ito, natuto raw siyang pahalagahan ang sarili at hindi basta na lamang tanggap ng tanggap ng trabaho para na hindi na muling makumpromiso ang kanyang kalusugan.

Sey mo Gerald? Enchong pinakaseksi kay Janice

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kanyang Instagram account, binati ni Janice de Belen sa kanyang kaarawan ang Kapamilya actor na si Enchong Dee.

Ipinost din ng actress ang hubad na litrato ni Enchong na may mensahe na :”Everytime, tinatanong ako kung sino ang sexiest actor para sa akin laging ikaw ang sinasagot ko.That’s why to the sexiest,happy birthday, Boss@mr_enchongdee, Love you and miss you. ”

Marami naman ang sumang-ayon kay Janice sa ipinasilip nitong pa-abs ni Enchong.

Isa namang netizen ang nang-urot kay Janice na:” Hindi po ba si Gerald? ”

Dedma lang si Janice sa pag-uusisa sa kanya ng nasabing IG user.

Matatandaang minsan nang na-link ang pangalan nina Gerald at Janice sa isa’t-isa dahil sa kanilang closeness nang magkasama sila sa isang teleserye.

Leave A Reply

Your email address will not be published.