Abante Tonite Interactive

Marian tameme sa dream house

585

Ayaw magdetalye ni Marian Rivera sa itinatayong dream house nila ni Dingdong Dantes. Si Dong na lang daw ang tanungin tungkol dito.

Bagama’t kinumpirma niya na isa ito sa proyekto nilang mag-asawa pero matipid siyang magkuwento tungkol dito.

Nakatsikahan ang Kapuso Primetime Queen sa blessing ng flagship store ng Beautederm sa Marque Mall, Angeles, Pampanga kamakailan.

Si Marian ang Face of Beautederm Home kaya sakto ang mga produktong ito para gamitin sa bagong bahay nila. Endorser siya ng Reverie, isang exquisite line of home scents – na kinabibilangan ng mga soy candles, room sprays, at linen sprays.

Anyway, excited si Yan dahil magtatayo na rin ang ina niya ng Beautederm store sa Cavite next month. Kasama ito sa tina-target na 100 stores ng CEO at President na si Rhea Anicoche Tan.

Sa paglipas ng panahon, naging matalik na magkaibigan sina Rhea at Marian. Pamilya na ang turingan nila.

“Masarap katrabaho si Marian at isa rin siya sa sweetest and most caring friend anyone could ever hope for. Proud at grateful at kasama namin siya sa Beautéderm team,” deklara ni Ms. Rei.

“I feel blessed at honored din sa tiwala na binigay sa akin ni Rei para i-represent ang Beautéderm Home. Ang partnership namin ay isa sa pinakamaganda at nakakataba ng puso dahil para na kaming magkapatid. Pamilya ko na ang buong Beautéderm staff,” sambit ni Yan.

Ngayong Setyembre 22 (Linggo), 4PM, pormal na bubuksan ng Beautéderm flagship store sa publiko.

Magkakaroon ng isang grand mall show na tatampukan nina Sylvia Sanchez, Glydel Mercado, Lorna Tolentino, Carlo Aquino, Arjo Atayde, Matt Evans, Ejay Falcon, Jane Oineza, Ria Atayde, Pauline Mendoza, Hashtag Ryle, Kitkat, Ton Ton Guttierez, Jimwell Stevens,Jestoni Alarcon, Sherilyn Reyes, Maricel Morales, Rochelle Barrameda, Darla Sauler, Lance Tan, Anne Feo, Shyr Valdez, Alyana Asistio, Kakai Bautista at Boobay.

“Ito ay dream come true,” sabi ni Rhea. “Ang flagship store na ito ay isang testament kung ano ang kayang gawin ng hard work, dedication, at steadfast prayers,” sey pa ni Ms. Rei. (Roldan Castro)