Abante Tonite Interactive

Marian, tinalakan ni Ai Ai

106
Ai Ai Delas Alas
Ai Ai Delas Alas

Isa sa mga pasabog ng upcoming series ni Marian Rivera na Super Ma’am ay ang mga artistang kasama niya.

Isa rito ay si Ai Ai delas Alas, na nakaeksena ni Marian sa itaas ng tren.

Ani Marian, “Tinatala­kan niya ako. Sabi niya, ‘Kambal, ang tanda ko na, pinapa-fight scene mo pa ako dito sa ibabaw ng tren.’

“Inuuto ko, kunwari i-chika ko. Sabi niya, ‘Pagod na pagod na ako, ha?!’”

***

Kris Bernal
Kris Bernal

KAISA si Aicelle Santos sa libu-libong fans ni Kris Bernal na humahanga sa galing nito sa pagganap bilang si Rosette at Nimfa sa drama series nito na Impostora.

Binati ni Aicelle si Kris sa Instagram nang makiisa ito sa National Beshies Day celebration recently.

According to her, proud siya sa natural na galing ni Kris sa pagganap ng dual role.

Hands up siya sa dedication ni Kris.

Napatunayan ni Kris ang galing niya sa pag-arte kaya bilib na bilib sa kanya ang viewers at netizens kada episode.

***

Sunshine at Gabby
Sunshine at Gabby

Newsmaker maitutu­ring ang Kapuso Afternoon Prime soap ni Sunshine Dizon na Ika-6 Na Utos.

Trending ang eksena nang paglublob ni Emma (karakter ni Sunshine) kina Georgia (Ryza Cenon) at Geneva (Angelika dela Cruz) sa aquarium.

Nakakagigil naman talaga ang pag-uugali ng magkapatid na hitad, pati na ang plano nilang pagtulungan si Emma para mapabagsak.

Sorry na lang sila dahil palaban ang ating bida, lalo pa’t andiyan sa tabi niya si Rome (Gabby Concepcion).

Ipagpatuloy mo lang ‘yan, Emma!

***

Dahil ‘in’ ang mga oppa at ahjussi sa mga Koreanovela, maraming viewers ang natuwa sa teaser ng upcoming series ni Heart Evangelista na My Korean Jagiya.

Naka-relate sila sa pagiging fan girl ng karak­ter ni Heart na si Gia, na super in love sa Korean actor na napanood niya sa Korean series.