Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marian todo display ng katawan

0 161

NI: VINIA VIVAR

Pinagpistahan ng mga netizen ang abs ni Marian Rivera sa recent Instagram post ng Kapuso Primetime Queen. Makikita naman kasi talaga sa larawan na sa kabila ng pagkakaroon ng 2 anak ay wala pa ring kupas ang kaseksihan ng aktres at name-maintain niya talaga ang kanyang toned body.

“Ang ABS grabe. Parang walang Anak,” komento ng isang netizen.

“Masusundan na ulit si Ziggy, Yan,” sey naman ng isa pang fan.

“Napaka ganda at napaka sexy …grabe pa yun skin…ikaw na ….HOT,” comment naman ng isa pa.

Isa si Marian sa mga celebrity moms na hinahangaan talaga pagdating sa kaseksihan at hindi pagpapabaya sa sarili. Ang lagi ngang tanong sa kanya ay “how to be you” ng mga kapwa-kababaihan.

Hindi lang sa pagme-maintain ng kanyang kagandahan hinahangaan si Marian kungdi maging sa pagiging asawa ni Dingdong Dantes. Kahit working mom siya ay hindi niya napapabayaan ang kanyang wife duties at laging nandiyan para suportahan ang mister.

Sa pinakahuling intriga nga kay Dingdong ay muling pinatunayan ni Marian ang kanyang pagiging supportive wife. Hindi natinag ang kanyang tiwala sa mister at tinawanan lang niya ang tsismis na may nabuntis itong ibang babae.

“Lahat naman ng artista may tsismis. ‘Di naman nawawala yung tsismis sa pagiging artista. Hayaan mo na lang ang mahalaga naman alam niyo kung ano yung meron kayo,” sabi ni Marian tungkol sa nasabing issue.

Leave A Reply

Your email address will not be published.