Abante Tonite Interactive

Marian umayuda sa padede moms

0 495

NI: ROLDAN CASTRO

Proud si Ms. Rei Anicoche-Tan, CEO at President ng Beautederm sa kanyang ambassador na si Marian Rivera. Hindi siya nagkamali na kuning endorser ito dahil malaki ang puso sa mga nangangaailangan.

Makikita nga sa Facebook account ni Ms. Rei : “Face of Beautéderm Home Ms Marian Rivera Dantes #YestoGiving #YestoLife #YestoLove #BeautédermFamily.”

Speaking of Marian nag-donate siya ng isang box ng breastmilk para sa mga baby na kinakapos ng gatas ngayong krisis sa COVID-19.

“Sa pag gunita sa “World Day of Human Milk Donation” nais kong kong ibahagi ang mumunting alay ko sa mga sanggol na makikinabang sa natatanging sustansya at proteksyong taglay ng gatas ng ina.

“Nakikiisa ako sa mga padede-nanay/moms na walang humpay sa pagaalaga sa kanilang mga anak.

“Sa panahon ng crisis, nawa’y makatulong ang donasyon na eto sa mga sanggol na higit na nangangailangan. #KapitNanay Maraming salamat din @joyzrnmsnclcibclc ikaw ang isa sa mga inspiration ko! “

Tonite – Wendys Inhouse Ad