Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mariano binida Ginebra vs NLEX

0 344

Madaling hinabol ng Barangay Ginebra San Miguel ang anim na puntos na pagkaiwan sa first quarter, at nakapagpundar ng 16-oint lead sa third period para sagasaan ang NLEX, 102-92, sa main game Linggo ng gabi sa 45th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2020 elimination sa Angeles University Foundation University Sports Arena and Cultural Center bubble sa Pampanga.

Ang triple ni Kiefer Ravena ang nagbigay sa Road Warriors ng 16-10 na biggest lead na sa game saka humarurot ang Gin Kings na ang kalamangang 16 ay buhat sa driving layup ni Jeff Chan, 80-64, 2:30 sa third stanza.

Anim sa mga bataan ni coach Eral Timothy ‘Tim’ Cone ang mga rumatsada ng 11 points above sa pagbibida ng 20 ni Aljon Mariano at duble-double ni Earl Scottie Thjompson na may 12 pts. at 11 rebounds para sa balanseng atake ng crowd darlings.

SM food to go Banner Ad

May tig-12 markers din sina Stanley Pringle at Jared Dillinger habang may 11 each sina Prince Caperal at Chan upang samahan sa early triple-tie sa lead ang defending champion San Miguel Beer at TNT Tropang Giga (1-0).

Hindi naputol ang patuloy na paglalaro ni Iron Man LA Tenorio na nakamit ang ika-642 na deretsong salang sa 11:57 minuto kung saan nagtala ng isang puntos at dalawang rebound.

Sumandal naman ang Tropang Giga sa career-high 45 points ni Roger Ray Pogoy upang makaahon sa 17 points at 100-95 come-from-behind win laban sa Alaska Milk.

May 0-1 ang Aces, Road Warriors at Magnolia. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.