Abante Tonite Interactive

Mariano nilektyuran sa pag-aampalaya

By
8

Mistulang binigyan ng lecture ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano kung bakit naalis ito sa kanyang puwesto sa gobyerno.

Sa harap ito ng ulat na babalik sa lansangan si Mariano sa September 21 para banatan at batikusin ang aniya ay nagsisimulang diktadurya ng Duterte administration.

Ayon sa Pangulo, hindi niya kagustuhan ang pagkakaalis ni Mariano sa puwesto dahil ang nagdesisyon nito ay ang mga senador at kongresista na miyembro ng Commission on Appointments (CA)

Hindi aniya tamang pagbintangan siya na nagmanipula o nag-utos para ‘di makalusot ang dating kalihim dahil sa tuwing naibabasura ang kanyang appointment ay muli niya itong ina-appoint.

Sinabi ni Pangulong Duterte na kaya niya inilagay si Mariano sa nabanggit na kagawaran ay para marinig niya ang boses ng mga magsasaka.

“It’s not my own. Hindi naman tamang sabihin na I torpedoed. Kung halimbawa i-torpedo ko, why would I go into a rigmaroles of appointing you everytime they are rejected or bypassed by Congress?” ang paha­yag ng Pangulo.