Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mariano, Thompson nag-alsa sa Ginebra

0 152

Game 3 bukas (AUF gym)
6 pm – TNT vs. Ginebra
(Gin Kings lead series 2-0)

Smart Clark Giga City – Wala sa porma ang starters ni coach Tim Cone, umeksena si Aljon Mariano para itulak ang Ginebra sa 92-90 panalo kontra TNT at 2-0 lead sa PBA Philippine Cup Finals sa Smart 5G-powered AUF gym Miyerkoles ng gabi.

Tumipa ng second career-best at highest output sa Gin Kings na 34 points si Stanley Pringle bagama’t 10 of 21 sa field. Off the bench, nagsumite si Mariano ng 20 points para pantayan ang career-best na apat na beses na niyang inililista.

Pagkatapos ng 36 minutes na abante ang Tropa sa manipis na 70-68, nakapagtala na ng 8 lead changes at 8 deadlocks.

May 10 points si Mariano sa third nang sabayan si RR Pogoy na nagpasabog ng 15 sa period tungo sa game-high 38 points para pangunahan ang Tropang Giga.

Walang pumasok sa unang apat na tira ni Scottie Thompson, 2 of 5 lang din si Japeth Aguilar at scoreless sa first 47-plus minutes si LA Tenorio.

May tig-9 rebounds sina Mariano at Tenorio, namigay ng 8 assists si Pringle.

“Scottie was struggling, LA was struggling, for a while Stanley was struggling but of course he exploded. Japeth was struggling, so … the whole first group, the core really struggled coming out of the game,” bulalas ni coach Tim Cone. “Aljon’s contribution was exceptional.”

Ibinuhol ng layup ni Mariano sa 70-70, inumpisahan ng TNT ang fourth quarter sa anim na free throws para umabante muli.

Hinawakan ng Tropa ang lead sa halos buong 10 minutes bago nagsabwatan sina Mariano at Pringle para muling ibuhol sa huling pagkakataon 84-84, 1:53 pa.

Split sa free throws si Jayson Castro, pumasok ang nag-iisang field goal ni Thompson – ang tres na nagbigay sa Gins ng 87-85 lead 30 seconds na lang.

Wala ring field goal si Tenorio sa dalawang attempts, kinolekta ang lahat ng 5 points sa stripe sa final 30 seconds para bigyan ng cushion ang Ginebra.

Hindi na pinaglaro ng TNT si Ray-Ray Parks para ipahinga ang strained calf, inaasahang makakabalik ang sophomore gunner sa Game 3 bukas sa Angeles City venue rin.

Ang iskor:

Barangay Ginebra San Miguel 92 – Pringle 34, Mariano 20, Dillinger 8, Chan 6, Aguilar 6, Tenorio 5, Tolentino 4, Devance 4, Thompson 3, Caperal 2.

TNT 90 – Pogoy 38, Enciso 15, Castro 13, Erram 11, Rosario 11, de Leon 2, Carey 0, Reyes 0, Montalbo 0.

Quarters: 21-17, 36-40, 68-70, 92-90. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.