Abante Tonite Interactive

Maricar dela Fuente type magbasa ng Xerex

By
0 536

Dating miyembro ng Viva Hot Babes si Maricar dela Fuente.

Maraming hindi magagan­dang salita ang kinakabit sa sexy, pero hindi niya ‘yun iniinda dahil ginusto naman daw niya talaga mag-artista. At ‘yun ang pangarap niya na natupad naman.

Guest si Maricar sa “Showbiz Pa More” ng Abante Tonite kung saan ang nag-host ay sina Rommel Placente, Mildren Bacud at Rodel Fernando.

Sa interbyu madaming ni-reveal si Maricar kung paano umunlad ang kanyang buhay.

SPM Tonite: Ano na ang pinagkaabalahan after na mawala ka nang matagal sa showbiz?
Maricar: “Nag-aral ako. I’m a chef now and own catering services.”

Very proud ang sexy star habang nagkukwento kung ano-ano ang kanyang niluluto bilang chef.

Gumagawa raw siya ng pastries, cakes at iba-iba pang matatamis na pagkain.

SPM Tonite: Saan matatagpuan ang business?

Maricar: “Homebase pa lang eh. Sa Mandaluyong.”

SPM Tonite: May lovelife ka ngayon?

Maricar: “Hindi ko alam, e. Meron ba?” Mga anak ko. Sila ang lovelife ko. I have two kids, five and eight years old. Sila ang nagbibigay inspirasyon sa akin.”

SPM Tonite: Paano ka bang napunta sa showbiz?

Maricar: “Si Rusell Simon. Friend ko po siya. Siya po ang nag-introduce sa akin sa showbiz. Hanggang sa may na-meet kami na may koneksyon nu’ng 2005. Ayun napasok ako sa Viva Hot Babes.”

Hanggang ngayon ay umaarte pa rin daw siya. Ang last movie na g inawa niya ay kasama sina Ai Ai delas Alas at Carmi Martin na Bes and the Beshies. Ito ay sa direksyon ni Joel Lamangan.

SPM Tonite: “Kung may offer, pero mother role na, okey lang ba?

Related Posts

Maricar: “Ok lang kung mother role as much as possible na hindi busy.”

SPM Tonite: Alam ba ng mga kids na dati kang nagpapa-sexy?

Maricar: “Yes, ayokong maglihim sa kanila. ‘Yung 8 years old. Nakakaintindi na siya.”

SPM Tonite: May nambastos na ba sa kanya dahil sa trabaho na nagpapa-sexy?

Maricar: “Maraming beses… muntik nang mahalikan… minsan nababatukan pa.”

SPM Tonite: Nanloko sa showbiz?

Maricar: “Meron. Hindi nabayaran sa show.”

Kuwento niya, grupo raw sila, pero ang bayaran ay indibidwal. May 20K pa raw na kulang sa kanya. Hanggang nga­yon ay hindi pa rin nabibigay.

SPM Tonite: May pagsisisi ka ba sa pagpapa-sexy?

Maricar: “Wala po. Hindi po. Ginusto ko, e. Saka trabaho lang naman. Nalungkot din ako nang pansamantala akong nawala sa showbiz.

“Okey din naman, kasi nag-aral ako at nagkaroon ng fallback.”

SPM Tonite: Speaking of politician, may mga nagpo-propose ba ng indecent proposal. Hindi man politician, mga businessman?

Maricar: “Meron… meron… din. Pero hindi pwede. Trabaho lang tayo. Walang monkey business.”

Ang huling tanong kay Maricar ay ang ‘Bulong Ni Roldie’ (entertainment editor ng Abante Tonite). Kapag hindi sinagot ng sexy star may ipagagawa sa kanyang consequence.

Hindi sumagot si Maricar. Mas type niya ang magbasa ng “Xerex”.

Panoorin ang kabuuang interbyu ng “Showbiz Pa More” Tonite sa Abante Tonite Facebook Page, Abante News Online Facebook page, Abante Tonite Youtube channel at sa website na tnt.abante.com.ph.