Abante Tonite Interactive

Maricar mabagsik ang kaseksihan

By
3,787

Hindi papayag si Maricar de Mesa na mapag-iwanan ng mas bata sa kanya. ‘Yung mga walang habas kung mangalandakan ng kanilang bikini body sa social media.

Kung paangasan lang naman ng body beautiful, hindi magpapakain ng alika­bok si Maricar kina Jennylyn Mercado, Diana Zubiri, Aubrey Miles, Maggie Wilson, Denise Laurel na pawang mga ‘hot momma’. Bumabaha ang init sa kanyang kaseksihan. Kahit sinong lalaki ay maglalaway sa pagnanasa.

Mula nang magkaroon ng baby, mas lalo pang naging mabagsik ang kaseksihan niya. Mas lalo itong naging masarap sa panlasa ng mga lalaking ang hanap ay gaya niyang morena Pinay beauty.

May lovelife siguro itong si Maricar kaya naman parang sizzling plate na sumasagitsit ang kanyang kaseksihan.