Abante Tonite Interactive

Maricar muntik sumuko sa pagkanta

290

Napasayaw ang mga host ng “Showbiz Pamore,” online show ng Abante Tonite, nang mag-guest ang baguhang singer na si Maricar Aragon. Ibinida niya ang awiting isinulat niya mismo, ang “Everything You Are,” na isang gratitude song for parents.
Ilan taon na nga ba siyang kumakanta?
“l started singing when I was 5 years old. Na-discover na I could sing pala through Yeng Constantino’s song ‘Hawak Kamay’ pati ‘yung kanta ng ‘PBB’ na ‘Pinoy Ako.’”
Sa murang edad nga raw ay sumasali na sa mga singing contest si Maricar. May mga pagkakataong nananalo pero may mga times din na talo pero hindi naman ito naging dahilan para panghinaan siya ng loob.
Sino ba ang iniidolo niyang singers?
“Si Lea Salonga po at Yeng Constantino. I also compose songs din po kasi. Nakasulat na rin ako ng ibang kanta.”
Maging sa pag-arte ay sumabak na rin si Maricar.
“Yes I did the movie ‘Story Of Love.’”
Showbiz crush naman daw niya si Juan Karlos Labajo.

***

Type maging beauty queen

Marami ang nakakapansin na may da­ting-beauty queen din siya. Hindi ba niya naiisip na pasukin din ang pagsali sa pageant?
“Nu’ng bata pa ako marami na din po nagsabi sa akin kasi nga sa morenang kulay ko at bumbayin na beauty ko. Nag-try po ako nu’ng elementary akong sumali.”
11 years na siyang umaawit. Ilang taon na rin siyang sumusubok mapansin sa recording scene at sa showbiz. Bakit hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin siya?
“Dahil po ‘yan sa mama mo na patuloy na sumusuporta at naniniwala sa akin. Sa mga times po kasi na gusto ko nang mag-give up at ‘di namam maiiwasan na mararanasan natin ‘yan, ay nand’yan siya para palakasin ang loob ko.”
“Bukod po sa mga taong naniniwala sa talent ko at syempre po si God.”
Release na sa digital platforms like Spotify and iTunes ang single ni Maricar na may titulong “Lumulutang Sa Ere.”