Abante Tonite Interactive

Maricar singsarap ng alak

678

Kung ganda at kaseksihan din lang naman ang pag-uusapan, parang ngayon pa lang namumukadkad ang bango ni Maricar de Mesa.

Umaani ng tagumpay ang sexy photo posting niya sa Instagram.

Sa edad nitong 39, walang bakas na pinatanda ito ng panahon sa ganda ng kanyang pigura. Parang alak na habang tumatagal ay lalong sumasarap.

Walang maniniwala na malapit na itong tumuntong sa edad nitong kuwarenta dahil sa nakakabilib niyang pigura.

Aba, puwede pa niyang talbugan ang nagsisipag-hinog na mga young star sa pagbabalandra ng kanilang mga bikini photo.

Walang binatbat ang abs at flat tummy ni Maricar sa mga nagpi­pintugang mga puson ng mga young star.

Magba-bow ang mga ito kapag nakita nila sa malapitan ang kaseksihan ni Maricar.

Kahit mga kasabayan nito sa dating youth-oriented program na “That’s Entertainment” ay mapapai­ling at mapapakamot sa ulo sa pigura ni Maricar.

Isa lang ang itatanong nila: “Paano mo ginawa”?

Sa huling tsikahan namin sa cha­racter actress, ibinahagi nito ang beauty secret niya para mapanatili ang youthful looks at sexy figure niya.

Disiplina sa pagkain, kumpletong tulog at madalas sa gym. Siyempre, kasama rito ang ibang mga facial ek-ek at mga equipment na nakakatulong para ma-maintain ang tightness ng balat.

Ang klase ng alindog ng aktres ay hindi kayang deadmahin ng sinumang lalaki.

(Rey Pumaloy)