Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maricar tinakasan sa paupahan

0 477

NI: ROLDAN CASTRO

Nagpa-blotter na ang dating Viva Hot Babe na si Maricar dela Fuentes sa umupa ng bahay niya.

Nu’ng June ay sinumbong na ito sa amin ni Maricar.

Sinabihan naming ireklamo niya sa barangay at magpa-blotter para may sapat na dokumento.

Kuwento niya: “May tumakbo sa bahay ko na renter… tapos hindi nagbayad ng 2 buwan na renta .Kakalipat lang n’ya sa bahay ko nu’ng March. ‘Yung mga tseke na binigay niya ay talbog nu’ng pinasok namin sa bank .”

“First time lang na nangyari sa akin ‘to,” sambit pa niya.

Napapailing na lang si Maricar sa nangyari.

“Ang dami na nagkalat na masamang tao.Grabe mga tao ngayon,” himutok niya.

Nag-follow up kami kahapon kay Maricar kung ano ang update sa nirereklamo niya.

“Napa-blotter ko na sa barangay at village namin di ko pa lang naasikaso .

“Sa September ko na ayusin pag nagharap na kami. Nakakatakot din po mag-ayos at lumabas . Dami COVID cases nowadays,” lahad niya.

“Kaloka mga ganon tao. Na-post ko na mukha nun. Madami ang may kilala sa kanya sa village namin .Madali makita,” dagdag pa niya.

Binanggit namin na magkapareho ang experience nila ni Dianne Medina na binalasubas din ng umupa sa kanyang condo unit.

“Naku tito madaming ganyan. Ang sama.. pumayag ako 6 months contract tapos ang dami nila demands then tatakasan lang ako.

“3 months ‘yung utility bills at 3 months din na monthly dues di bayad .Okay naman kasi may security deposit pero ang malala 2 months na payment sa renta talbog ang tseke,” saad pa niya.

Para mawala ang stress ni Maricar sa renter niya, tutok na lang siya sa kanyang Icaru Catering Services & Sweet Tooth. Nagbi-bake din ngayon si Chef Icaru ng ube pandesal ,cake at pastries. Puwede tumawag sa 09175016503, 85852625.

Leave A Reply

Your email address will not be published.