Abante Tonite Interactive

Maricel ayaw magpakabog kay Sharon

0 430

Bongga ang career ni Maricel Soriano. Bukod kasi sa regular siyang napapanood sa teleseryeng “The General’s Daughter” ng ABS-CBN 2 nakatakda rin siyang gawin ang da­lawang pelikula from Regal Films.

Una, ay ang reunion movie nila ni Martin Nieverra, na ididirek ni Eric Quizon, at ang ikalawa, ay ang pagsasamahan naman nila ni Janella Salvador na isang horror film.

Si Sharon Cuneta ay naging kalaban ni Maricel sa popularity noong 80’s. Kung may horror film na ipapa­labas si mega next month titled “Kwaresma” Si Maricel ay may gagawin ding horror film this year.

Hindi talaga nagpakabog si Maricel kay Sharon sa paggawa ng horror film. (Rommel Placente)