Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maricel bibinyagan si Ricky Gumera

0 252

ROMMEL PLACENTE:Nakakatuwang malaman na sa kabila ng pandemic ay tuloy- tuloy ang paggawa ng pelikula ng Godfather Productions ni Joed Serrano.After Anak Ng Macho Dancer na initial offerring ng kanyang produksyon,heto’t nasundan na agad ito ng Kontrabida.

Bongga si ate Guy na hanggang ngayon,ay nagbibida pa rin sa movie. Marami pa rin ang nagtitiwalang bigyan siya ng pelikula na siya talaga ang bida.

Pero sa bago niyang movie,kahit siya ang bida ay kontrabida ang role niya. Na first time niyang ginawa. ‘Yan ang tunay na aktres.Kahit anong klaseng role ay tinatanggap, basta challenging, Wala siyang arte sa katawan She’s really a versatile actress.

Maswerte sina Ricky Gumera,Charles Nathan,Miko Pasamonte at Mhack Morales, na kasali sa pelikula.Nabigyan sila ng chance to work with ate Guy,di ba?

Sana sa bagong role ni Nora ay tangkilikin pa rin siya ng kanyang mga tagahanga.

MILDRED A. BACUD: Ayoko namang i-ispoil ang kuwento pero mamahalin daw ang role ni ate Guy sa pelikulang ito kahit pa may titulong kontrabida. Iba rin ang Godfather Productions ni Joed Serrano, pinag-isipang mabuti ang pelikulang binigay sa nag-iisang Superstar. Title pa lang catchy na, mapapaisip ka na kung paanong ang isang aktres na laging bida sa sariling pelikula ay gaganap na kontrabida.

Anyway, inanunsyo na ng Godfather Productions na uunahin ang pelikulang pagsasamahan nina Maricel Soriano at Ricky Gumera kaysa sa Anak Ni Totoy Mola. Hindi kaya si Maricel na talaga ang sinasabing sikat na aktres na sasampal kay ate Guy sa Kontrabida? Feeling ko posible ito.

NORA HINIKA SA SHOOTING

RODEL FERNANDO: Yes,nagsimula nang gumiling ang kamera para sa pelikulang “Kontrabida” ng Godfather Productions, Mr. P Entertainment at Ovation Productions na pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor.

‘Iyun nga lang hindi maiwasan atakehin ng asthma ang Superstar sa first shooting day dahil sa mainit na lagay na ng panahon ngayon.

Sa kuwento sa amin ng kasama ni ate Guy sa shoot ay naging masaya raw ito dahil inaalagaan ito ng mabuti ng produksiyon. Bigla tuloy naming naalala ang naging pahayag ng producer ng pelikula na si Joed Serrano sa kaniyang interbyu na i-spoil daw niya ang aktres. Lahat daw ng gusto ni Nora ay ibibigay niya at tatratuhin daw niya itong Reyna. Bagay na pinaniwalaan naman ng marami lalo na ang mga fan ng Superstar.

Anyway, speaking of the movie, balak pala itong isama bilang entry sa bubuuing film festival ni Joed na Godfather Film Festival. Maganda naman ito pero dapat pa ring pag-isipan lalo na’t dumadaan pa sa krisis ang bansa.

ROLDAN CASTRO: Glamorosa at inayusan talaga si Nora Aunor sa pelikula niyang Kontrabida. Kakaiba ito dahil kung may Extra si Vilma, may Kontrabida si Ate Guy.

Pero mukhang hindi sina ate Guy at Vilma Santos. Ang dream ni Maria kasi ay buong pelikula na kasama si ate Guy at Vilma Santos.

Anyway,excited ang Swat Boys (composed by Ricky Gumera, Charles Nathan, Mhack Morales, Miko Pasamonte) na makaeksena si Nora.

Mas mahaba ang role ni Charles sa movie na ito kesa kay Ricky pero walang problema.

Sa susunod na project ng Godfather Productions at Mr.P Entertainment ay si Ricky naman ang may highlight kay Maricel Soriano. Hindi kaya mabinyagan si Ricky ng markadong sampal ng Diamond Star?

Yes, sinusulat ngayon ni Ricky Lee ang istorya at ididirek naman ni Joel Lamangan.

Of course, hindi pa rin mawawala sa movie na ‘yan ang mga pabukol at pagiging hunky ni Gumera.

Kaabang-abang na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.