Abante Tonite Interactive

Maricel havey ang patawa

By
3,244

Nag-enjoy kami sa My 2 Mommies na napanood namin sa red carpet premiere nito nu’ng Lunes, sa SM Megamall Cinema 7. Ang saya ng pelikula, na ang dami ring tender and touching moments kaya laugh and cry kami habang nanonood.

Ang galing-galing ni Paolo Ballesteros as bidang bading na si Manu, na hindi alam ay nagkaanak pala siy­a sa dati niyang friend and classmate na si Monique, played by Solenn Heussaff.

In fairness ay ang ganda ng script ni Direk Joey Reyes kaya ang riot ng pelikula at may puso. Makaka-relate dito ang audience at mamahalin nila ang mga karakter.

Ang husay ng buong cast, lalo na sina Paolo at Solenn. Si Paolo ay natural na nakakatawa kahit mga simpleng hirit at litaw na litaw ang pagka-witty, na feelin­g namin ay adlib niya ang karamihan sa mga nakakatawang linya niya.

Para sa amin ay best movie ito ni Paolo after ng kanyang critically-acclaimed at hit film na Die Beautiful (2016).

Si Solenn ay hindi lang maganda at hot, may lalim pa ang acting at may since­rity. Mommy na mommy rito si Sos, kahit in real life ay hindi pa siya nagkaka-baby.

Swak na swak din sa role ang long-haired child actor na si Marcus Cabais bilang 7-year-old son nina Pao at Sos. French kung French ­sila kung mag-usap ng kanyang Fil-French mommy. At sobrang nakakatuwa ang father and son moments nila ni Paolo, gaya ng panonood nila ng afternoon soap na may tema ng kabadingan.

Bentang-benta sa audienc­e sa tuwing nagla­laki-lalakihan si Paolo sa harap ng kanyang anak, pero minsan ay hindi niya napipigilang tumili.

Na-miss ng mga fan ang mga pakuwela ni Maricel Soriano sa big screen, kaya aliw siyang panoorin dito kahit hindi kahabaan ang kanyang role.

Ang lakas pa rin ng impact ng Diamond Star at importante ang role niya rito bilang tiyahin ni Paolo na in denial sa kabaklaan nito.

Havey pa rin ang mga patawa ng aktres, na very Maricel, at in fairness ay bonggah ang rapport nila ni Paolo.

Maging si Joem Bascon ay okey din at ang ganda ng role bilang partner ni Pao, pati na ‘yung gumanap na foreigner husband ni Sos na si Billy Ray Gallion.

Ideal partners ang mga ito kina Pao at Sos, na ang modern pero realistic ang pagkakasulat ng mga karakter kaya paniniwalaan mo.

Ang ganda ng pagpapakita sa modern day couples na nasa same sex relationship, kaya gusto naming batiin si Direk Eric Quizon sa tamang pag-handle niya rito.
Meron itong shades of Pusong Mamon (1998), ang hit LGBT-themed movie na si Eric din ang nagdirek.

Nobody, Nobody But…Juan (2009) pa ng kanyang nasirang amang si Dolphy ang huling dinirek na pelikula ni Eric. Na-happy rin kami for Mother Lily Monteverde and daughter Roselle Monteverde dahil may perfect treat ang Regal for Mother’s Day this year.

Today ang showing ng My 2 Mommies in cinemas nationwide.

***

Young JV ‘di sure kung napanood ni Miho ang video scandal

AMINADO ang singer-actor na si Young JV na medyo malaking challenge sa kanya ang pagiging newest brand ambassador ng Megasoft Hygienic Products dahil minsan siyang nasangkot noon sa isang video scandal.

Naging very honest si JV kahapon sa press at hindi niya iniwasan ang tungkol sa isyung ‘yon.

Ang sabi ng 27-anyos na hip-hop artist, past na ‘yon and everybody commits mistakes. Kaya malaki ang pa­sasalamat niya na nagtiwala ang Megasoft sa kanya at nakita ang capabilities niya bilang artista at performer.

Start pa lang ng nationwide promo niya for Mega­soft sa May 17 sa Gaisano Grand Antique, kaya med­yo kabado ang binata sa pagharap niya sa mga tao.

Inamin ni Young JV na nu’ng una ay hindi niya alam kung paano niya iha-handle ang video scandal na ‘yon. Para raw gusto niyang maglagay ng paper bag sa ulo niya.

Mas pinili niyang hindi ito i-deny dahil mas pangit pa for him kung hindi niya aaminin. Basta, alam niyang nagkamali siya at bata pa raw siya nu’ng mangyari ‘yon.

Hindi niya alam kung sinong nagkalat ng kanyang batibot vid, so payo niya sa ibang young actors ay be careful and be responsibl­e dahil once na online na ang isang bagay ay mahirap nang makontrol.

Hindi sure ni JV kung napanood na ng girlfriend niyang si Miho Nishida ang nasabing video. Parang awkward naman daw kasing pag-usapan nila ito.

Natural ay napagalitan siya ng parents niya nu’ng pumutok ang isyu na ‘yon. Ang tatay pa man din niya ay Philippine Ambassador to Myanmar, tapos ay related siya kay Atty. Lorna Kapunan. Pero naging supportive pa rin ang pamilya niya.

After his viral video scandal ay wala naman daw natanggap na indecent proposals si JV, pero marami siyang nakuhang mga compliment at sinasabing ‘maga­ling’ daw siya.
Kasama sa mga produkto ng Megasoft ang Super Twins Diapers, Sisters Sanitary Napkins at Cherub Baby Care Products.