Abante Tonite Interactive

Maricel, Maine isasabong kina Coco at Vic sa MMFF

By
8,394

Ganadong magtrabaho si Maricel Soriano dahil success sa takilya ang comeback movie niyang My 2 Mommies kung saan meron siyang guest role.

Ang gusto lang daw ngayon ni Maricel ay makapagpasaya. May tatlong movie projects na ino-offer sa kanya ang Regal Films at gusto niya raw gawin lahat.

Malapit nang magsimula ang taping niya ng Kapamilya teleserye na The General’s Daughter. Maglu-look test na raw sila, tapos ay magti-taping na.

Excited ang Diamond Star dahil mahuhusay ang bumubuo sa cast at magaling daw dito si Angel Locsin.

Ayaw niyang i-reveal ang kuwento at ang role niya, so ang biro niya ay siya rito ang ‘The General’s Lola,’ sabay tawa.

Kahit magteleserye na siya ay puwede pa rin daw siyang gumawa ng movie dahil nagagawan naman ‘yon ng paraan kung gugustuhin.

Muli naming tinanong si Marya kung kailan siya magdyu-join sa social media bilang si Congresswoman Vilma Santos ay nag-join na sa Instagram recently.

Hirit niya sa amin, “Teka muna sandali, contest ba ‘to? Ha? May contest ba? Wala naman, ‘di ba?”

Tapos ay dinugtungan niya ng, “Pag-usapan natin,” with matching smile.

In fairness ay parang bet ni Mother Lily Monteverde ‘yung idea na pagsamahin sa isang pelikula sina Maricel at Maine Mendoza, na hopefully ay pang-MMFF this year. Pag matuloy ito may pansabong na sa Coco Martin at Vic Sotto movie na niluluto sa filmfest.

Magaling din kasi sa comedy si Maine at mukhang winner ang combination nila ni Marya.

Balak yatang kausapin ni Mother ang friend niyang si Mr. Tony Tuviera na manager ni Meng tungkol dito.

Ang alam namin ay may exclusive contract si Maine sa APT Entertainment pagdating sa movies, kaya wagi si Mother kapag nahiram niya si Menggay kay Mr. T!