Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maricel may resibo na inayawan mister ni Sharon

0 187

Ni:BETH GELENA

Hayan may resibo na kung bakit hindi binanggit ni Maricel Soriano si Senator Kiko Pangilinan nu’ng nasa campaign sortie siya ng Kakampink.Kahit maganda pa ang introduction sa kanya ni Sharon Cuneta.

Kahit marami ang bumatikos sa aktres sa isyung iyon never na nagsalita si Marya sa maraming ‘Bakit’ na katangunan.

Sa Instagram account ng anak ng Senate President Tito Sotto na si Ciara ay may post siya ng pasasalamat para sa Diamond Star nang bumisita ito sa kanila kamakailan.

Pruweba ang kuhang larawan ni Marya kasama si Tito Sen at ang misis niyang si Helen Gamboa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa isa namang posted photo ay si Ciara ang kasama.ng aktres. May caption ito na, “This beautiful soul visited us last night. Our dear Ate Marya @officialmaricelsoriano, we missed you so much! Always remember that we love you and you’ll always be part of our family. Thank you for always making us feel lives.”

“Ay kaya pala di binanggit name ni sen kiko noon. Alam na,” komento ng netizen.

Kanya-kanyang kuru-kuro na naman ang naglabasan dahil sa post ni Ciara.

“Ayun naman pala kaya pala hindi nya na mention si K kahit si S pa ang nag intro hihihi”

“ayan kaya maski todo intro ni sharon kay maricel pero di pa rin binanggit si kiko.di naisip na mas matimbang si tito sotto who treated maria like family”

Leave A Reply

Your email address will not be published.