Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maricel nagsisi sa ‘madilim’ na pinuntahan

0 72

Sumabak na rin sa vlogging si Diamond Star Maricel Soriano. Mayroon na siyang sariling YouTube channel called “Marya: The Maricel Soriano Channel” na binuksan niya last July pa . Ngayon ay may mahigit 2,000 subscribers na. Kahapon ay in-upload na niya ang kanyang first episode titled “Welcome Sa Ating Bagong Tahanan.”

Ayon kay Maria, kabado raw siya sa first telecast dahil baka raw ma-bash siya.

“Ninenerbiyos ako dito sa first telecast natin. Naku, alam ko ang mga fan ko, nandidyan, mahal nila ako, papanoorin nila ito, pero sabi ko, paano natin imi-maintain ito?

“Hindi biro. Siyempre maraming mangba-bash, ‘di naman lahat ng tao gusto ako. Paano kung di nila ako type, di ba? Paano na ‘to? First time nga akong ninerbiyos. Hindi ako ninenerbyos pag nagsu-shooting ako, hindi ako ninenerbyos pag marami akong linya,” sabi ni Marya.

Baklang bakla pa rin si Maricel habang tsumitsika sa vlog pero at one point at naging emosyonal niya habang nire-recall ang madilim na bahagi ng kanyang buhay at ito ay nang mamatay ang kanyang ina.

“Hindi ko matanggap (na wala na ang ina), nakalimutan kong mag-escape. Ibang escape ang napuntahan ko. Napunta ako sa isang escape na gloomy, masalimuot, madilim, mag-isa ka lang. Hindi maganda,” pag-amin ni Maricel.

Related Posts

“Nalungkot ako para sa sarili ko. Pinagsisisihan ko ba? Oo. May part din na okay kasi nadaanan ko. At least nasabi kong dinaanan ko, pero hindi ako magiging ganito ngayon kung hindi ko dinaanan ‘yun. Naiiyak ako dahil hindi talaga maganda ‘yung pinuntahan ko,” dagdag pa niya.

Nang mamatay raw ang ina ay nagpahinga siya sa kanyang career at gabi-gabi ay pinupuntahan niya ang puntod nito.

“Every night, nandu’n ako sa mommy ko. Tinatanong kung bakit kailangan mong mauna kaysa sa akin. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay nang wala ‘yung nanay ko,” emosyonal na sabi ni Maria.

Kung may buburahin daw siya sa buhay niya ay itong part na ito ang buburahin niya. Nasabi rin niyang dahil sa mga anak niya kaya ninais niyang umalis sa madilim na lugar na napuntahan.

“Kaya nga ako nahihiya sa mga anak ko dahil kasi hindi ako marunong magtago. Open ako. Kaya nun’g nag-worry na sila sa akin, doon na ako nag-umpisang magising. Inayos ko ang sarili ko, siyempre, tinulungan ako ng mga kaibigan ko,” she said.

She added, “gusto ko talagang umalis sa dark place na ‘yun. Kasi kailangang gusto mo, eh. Kasi kung ayaw mo, kahit anon’g gawin ng lahat ng tao, hindi mangyayari.”

That time ay nagwo-worry rin siya kung makakabalik pa siya at kung bibigyan pa siya ng chance kaya naman sobrang thankful niya na tinulungan siya nina ABS-CBN executive Cory Vidanes, manager Biboy Arboleda, at kay direk Wenn Deramas (SLN) na nagtiwala sa kanya kaya nakabalik siyang muli.

Leave A Reply

Your email address will not be published.