Abante Tonite Interactive

Maricel naligwak na maging regular sa bagong serye

347

OMMEL PLACENTE: Nakita na namin ang teaser ng bagong serye ng ABS-CBN 2 na The General’s­ Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin. Kasama rito si Maricel Soria­no pero special parti­cipation lang pala siya rito. Nagulat kami, huh? Ang akala kasi namin ay regular mainstay siya rito at gaga­nap bilang nanay ni Angel. Kuntodo promo pa naman siya dati na may bago siyang serye sa Kapamilya network. Hindi kaya ang dahilan kaya hindi siya ginawang re­gular dito ay dahil gusto munang subukan ng Dos kung okey na mu­ling magtrabaho ang Diamond Star at hindi na ito magloka-lokahan. Dati kasi ay kinuha siya para gumanap bilang nanay ni Gerald Anderson sa isang serye na nakalimutan na namin ang title. Pero dahil bago pa mag-umpisa ang ta­ping ng naturang serye ay nagkaisyu umano si Marya na naging dahilan para tanggalin siya rito at palitan ni Dawn Zulueta.

‘Yun nga kaya ang dahilan na gusto muna nilang subukan kung magiging professional ang award winning actress bago nila ito ga­wing regular? Pero for sure, guest nga lang si Marya sa The General’s Daughter pero maganda naman ang role niya. Siguradong hindi siya madedehado. Alam naman ng Dos ang kalidad ni Maricel bilang isang aktres kaya siguradong maganda at mapapansin ang kanyang role.

RODEL FERNANDO: Marami na ang nanana­bik sa bagong serye na ‘yan ng Dos. Hindi lang kasi ang kagandahan ng kuwento ang aabangan kundi patalbugan pa sa pag-arte ang magaganap.­ Paano naman kasi puro bigatin ang mga artistang makakasama ni Angel Locsin. Nandi­yan sina Maricel Soria­no, Albert Martinez, Eula Valdes, Tirso Cruz III at ang isa sa mga paborito kong aktres si Janice de Belen.

Nakakalula ang casting dahil meron pang Ryza Cenon, Paolo Avelino, Arjo Atayde at marami pang iba. Isa ito sa pinakamalaking proyekto ng Kapamilya Network.

Ngayon pa lang ay inaabangan na ang patalbugan sa acting nina Angel at Ryza, Tirso at Albert, Arjo at Paolo at sina Janice at Eula. Wow exciting ito.

Isa pa, hindi kaya gumawa ng eksena itong si Ryza para lalo siyang­ mapansin? Hindi kaya magkaroon sila ng tarayan o awayan ni Angel? Naku, posibleng mangyari ‘yun ha. Basta ang masasabi ko lang, isa rin ako sa nag-aabang sa The Generals Daughter na malapit nang gumiyera sa Primetime block ng ABS-CBN 2.

RONALINE AVECILLA: Nakakalungkot naman pala kung special participation lang si Maricel. Marami pa naman sa mga fan niya ang nag-aabang sa kaniya. Nakakaloka dahil noong June 2018 ay proud na inanunsiyo ng The General’s Daughter na makakasama ang Diamond star sa powerhouse cast ng serye. Not to think na special participation lang siya.

Hindi kaya limitado lang talaga ang eksena na gagampanan niya kay i-exit agad siya sa serye?

Pero dedma, ang importante ay nabigyan ulit siya ng exposure sa Dos. Mahusay pa naman siya sa huling serye niya na “Ang Dalawang Mrs. Real”.

MILDRED BACUD: Special participation din naman si Ms. Nora Aunor sa seryeng Onanay ng Kapuso network pero maganda ang role niya rito at hindi maiksi.

Baka ganun din naman si Mariel sa “The Generals Daughter”. Dahil big star siya espesyal ang kanyang role sa nasabing serye. Hindi lang si Angel Locsin ang nagbabalik after few years in a series maging ang Diamond Star na ang huli pa niya ay ang serye sa Kapuso network.

Balita namin hindi raw maikli ang role niya sa “The Generals Daughter” dahil from the start ay kasama siya sa original casting. Importante raw ang role ng aktres dito. Maricel Soriano is Maricel Soriano, di ba friend Rommel?