Abante Tonite Interactive

Maricel, Sharon walang ismiran

1,368

Sa true lang, maraming mga nagmamahal at panatiko nina Diamond Star Maricel Soriano at Megastar Sharon. Sadyang lumigaya matapos masilayan ang larawang magkayakap at magkadikit ang mukha nilang dalawa.

Ang special na okasyon kung saan naganap ang photo for posterity, sa taping para sa ABS-CBN Christmas Special 2019. Pambihirang pagkakataon na magkasama ang dalawa sa pinaka-subok na matibay at subok na matatatag na movie queens sa ‘Pinas showbizlandia.

Kaya nga, matapos masilayan ang nasabing larawan, marami tuloy ang nagtataka at nagtatanong, tama na ba ang panahon para pagsamahin sina Inay Marya at Ate Shawie sa isang pangmalakasang pelikula?

Kung may isang producer na magsusugal at mangangahas na pagsamahin sila sa isang pelikula, ano kaya ang bagay na material para sa dalawang reyna? Drama? Comedy? Suspense thriller? Sexy? Pink themed? Rivalry?

Sino kaya ang bonggang sumulat ng script? Ang magiging director? At ang question of national importance, sino siyempre ang dapat mauna sa billing?

Dapat sa pelikula muna magsama sina Maricel at Sharon bago sa isang programa sa telebisyon, hindi ba naman?

Ngayon na wala na silang dapat patunayan lalo na nga’t hindi na mabibilang pa ang mga naging box-office hits na pelikula at top rating television shows na kanilang pinagbidahan. Naging brand ambassadors at may legacy na ‘di puwedeng pagdabugan ng bangs. Hindi rin puwedeng kuwestiyunin ang kanilang pagiging aktres. Hindi ba hinog na hinog na talaga ang pagsasanib-puwersa nila sa isang pelikula?

Kung sina Nora Aunor at Vilma Santos may mga iconic movie collaboration na “Ikaw ay Akin” at “T-Bird at Ako,” makatwiran lamang na sina Maricel Soriano at Sharon Cuneta ay magkapelikula na.

Makinig sana ang buong Sansinukob at mga Pulis Pangkalawakan para ang pangarap na ito ay maging katotohanan na. Go for gold!

Priscilla naghu-humayskul sa kilig

May kasabihan nga tayong “first love never dies”. Sa kasalukuyan, ang nagpapatotoo nito, si Abby Viduya na mas kilala bilang bold nymphet of yore na si Priscilla Almeda.

Walang halong pag-iimbot at buong katapatang ibinahagi ni Almeda sa kanyang IG page ang mga larawan nila ni Jomari Yllana with matching “First Date” na label.

Iba rin ang former young love, sweet lovers na unang nagmahalan noong “Guapings” pa si Yllana. Reunited and it feels so good na nga sila. Starting all over again ang drama. Muling ibalik ang pag-ibig ang emote.

Sa true lang tayo, dahil nga ang diva that you love ay sucker for romance, full support tayo sa pagmamahalan at pagbabalikang ito. Kung may mga feeling aggrieved at bitter dahil nga together again si Priscilla at Jomari, choice naman nila ‘yun. Saka adults na ang lahat ng mga taong involved kaya tiyak, alam nila ang kanilang mga ginagawa.

Si Priscilla, mapapanood sa “FPJ’s Ang Probinsiyano” sooner than soon. Si Yllana naman ay kasalukuyang public servant bilang councilor at hindi naman kataka-taka kung makaka-proyekto itong muli sa telebisyon o sa pelikula, kasi naman, mahusay itong actor.

Ang gusto kong malaman, may theme song nga kaya sina Abby Viduya at Jomari Yllana? Are they co-habiting? At darating kaya sila sa puntong, gusto rin nilang magpakasal?

Ang mga babaeng minsan ay minahal ni Jom, si Aiko Melendez, Ara Mina at Joy Reyes, may kuda at hanash kaya sila sa balikang ito?

O mas mainam na they seal their lips na lang lalo na nga’t mga nakalipas na silang ‘di na maaaring balikan ni Yllana?

Tonite – Wendys Inhouse Ad