Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marie, Ruffa kinuyog sa birthday paandar

0 90

Hindi nakaligtas sa mata ng mga netizen ang post sa Instagram story ni @fiercedong.

May larawan na pito silang nagdi-dinner sa isang hotel na umano’y birthday paandar.

Mababasa ang “Lovely Evening Happy birthday @iammarielozano and end of 14 day quarantine for @iloveruffag and I.”

Kuyog at tanong ng mga netizen may mali bang ginawa ang grupong ito? Sumuway ba sila sa health protocol? Puwede na bang mag-dine in sa nasabing resto ng hotel?Keri na bang mag-dinner na pito o sampung tao na magkakasama?

SM food to go Banner Ad

Tumawag kami kahapon sa nasabing hotel at buong ningning na sinabi na hindi pa sila naga-accommodate ng dine in o reservation dahil hinihintay pa ang kautusan ng gobyerno ngayong September 16.

Bakit may larawang lumabas na nagdi-dinner sila ?Luma na ba ang photo na ito?

Bukas ang panig nina Marie, Ruffa Gutierrez at ang kanilang grupo sa ikalilinaw ng isyu. (ART)

Leave A Reply

Your email address will not be published.