Abante Tonite Interactive

Mariel aprub sa love scene basta walang pumping

By
6,554

Lalaban ba ng paseksihan si Mariel de Leon kay Lovi Poe?

‘Yun agad ang tanong namin kay Mariel, na gagawa ng indie movie with Lovi and Allen Dizon.

Anak ni Boyet de Leon vs anak ni FPJ. Pak!

Natawa lang ang 24-anyos na Bb. Pilipinas-International 2017, na excited makatrabaho for the first time si Lovi.

Ang alam ni Mariel ay nurse ang role niya sa Latay, na sa isang palaisdaan sa Pampanga ang shooting, pero hindi niya sure kung may eksenang magpapatalbugan sila ni Lovi sa paseksihan.

Paano kung may ganu’ng eksena, keri niya ba?

“Magda-diet muna ako. Ha! Ha! Ha!” tawa ng matangkad na dalaga na prominent ang dibdib.

Nag-two piece si Mariel nang sumali siya sa Bb. Pilipinas, so baka hanggang doon lang daw ang keri niyang gawin sa big screen.

Eh kung may love scene, kaya niya ba?

“I’ll ask my dad first! I’ll ask my mom and dad. Ha! Ha! Ha!” natatawang sagot sa amin ng dalaga.

Ang sabi ni Ms. Sandy ay bahala na roon ang bagong ma­nager ni Mariel na si Leo Dominguez. Sey ni Leo, kung mild love scene ay okey lang.
Okey ba ‘yon kay Mariel?

“Okey lang. ‘Yung walang pumping!” tapos ay natawa ulit siya.

Bilang 24 na siya ay handa naman daw sumabak si Mariel sa medyo mature na roles. Ang gusto niya talaga ay action at horror, para maiba sa parents niya na parehong drama ang linya.

Tinuldukan na ni Mariel ang chapter ng buhay niya bilang isang beauty queen. Nakatakda niyang ipasa ang korona niya sa pageant night ng Bb. Pilipinas sa March 18.
Enough na raw na twice siyang sumali at feeling niya, it’s not really for her. Ayaw na rin niyang ma-stress.