Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mariel bantay-sarado kina Robin, Vina

0 214

NI: ARCHIE LIAO

Ala work from home ang naging set up sa taping ng KeSaya Saya, ang musical sitcom sa Net25 na pinagsasamahan ng mag-ex na sina Robin Padilla at Vina Morales.

Kahit nanibago sa set up, enjoy naman daw si Robin sa taping sa new normal.

Tulad ng protocol, sumailalim daw sila sa swab test bago sumalang sa taping.

Proud pa niyang ibinahagi na ang misis niyang si Mariel Rodriguez ang nagsilbing stylist, camera at props woman niya sa set samantalang siya ang in charge ng audio at lighting.

Nagpasalamat din siya kay Mariel dahil ito ang naghanda ng masarap na pagkain.

Sumaludo rin siya sa ex na si Vina sa pagiging professional nito at trouper sa set.

May ilan namang netizens na iniintriga si Mariel na kaya join daw ito sa taping ng KSS ay dahil binabantayan nito sina Robin at Vina.

Pagtatanggol naman ng ilan, hindi na dapat bigyan ng malisya ang balik-tambalan nila dahil pareho nang may kanya-kanyang buhay ito.

Hirit pa nila, matagal na ring tumino si Robin kahit pa may history ito ng pagiging babaero noon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.